^

PSN Showbiz

Para malimutan si Luis: Angel inaaliw ang sarili sa martial arts

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

May mga pasa si Carla Abellana nang dalawin namin sa set ng Rosalinda kamakailan. Kahit nahirapan sa ilang maaksyong eksena ay nag-enjoy naman ito kahit pa tumalon siya sa mataas na gusali, kumapit nang mahigpit sa puno, tumakbo at kinaya nitong maging daring sa mga stunts.

 Gusto mo rin bang mag-aksyon? tanong namin

‘‘Opo, mahilig akong sumabak sa maaksiyong eksena kahit masaktan pa ako. Gusto ko nga pong gumawa ng action movie at makapareha si Robin Padilla,’’ aniya.

Baka ma-link sa kanya si Binoe dahil super gentleman ito sa mga nagiging kapareha.

‘‘Hindi naman po siguro. Parang tatay ko na siya para ma-link ako sa kanya,’’ sabi ng aktres na tipong nagbibiro.

Nag-one-on-one na sila ng kanyang acting coach na si Anne Villegas lalo na at ibang karakter ang gagampanan nito bilang si Paloma, ang singer na pasisikatin ng talent manager na si Jomari Yllana sa Rosalinda.

Naka-16 commercials na si Carla at kahit inili-link sila ni Geoff Eigenmann sinabi ng magandang aktres na naka-focus siya ngayon sa trabaho at alam niya ang priorities sa buhay.

***

Laging inaasar ni Aljur Abrenica si Kris Bernal kapag nakasuot ito ng two-piece na tinatakpan naman nito ng sarong o tuwalya dahil naiilang kapag tinitingnan siya ng binata.

Nagtataka ang entertainment press kung bakit hanggang ngayon ay di nila maamin ang relasyon gayung nasabi ng dalawa noon na sila’y mag-MU.

Pero komportable na sila kahit ilang beses silang naghalikan sa Nandito Ako… Nagmamahal Sa ’Yo. 

Inamin din ni Kris na takot siyang ma-in love at hihintayin lang ang tamang panahon na sabihin kung sino ang tunay na minamahal.

Palabas na ang pelikula sa September 30 in all theaters nationwide sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes under Regal Entertainment.

***

Sanay na sanay na si Angel Locsin sa paggawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay kahit hiwalay na sila ni Luis Manzano. Gusto nitong maging busy sa lahat ng oras kung saan abala ito sa pag-aaral ng martial arts, pagwo-work out, cooking lessons at higit sa lahat sa pagtataguyod ng kanyang scholars at pagtulong sa GABRIELA Movement lalo na sa mga battered chilren at women. May advocacy ang magandang aktres na tulungan ang mga naaaping kababaihan.

Marunong humarap sa problema si Angel at saludo kami sa tibay ng dibdib dahil sinasarili na lang ang dumarating na pagsubok sa buhay.

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

ANNE VILLEGAS

CARLA ABELLANA

GEOFF EIGENMANN

JOMARI YLLANA

KRIS BERNAL

LUIS MANZANO

MARYO J

NAGMAMAHAL SA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with