Trahedya nakatanim sa isip, Dennis at Richard parehong nahihirapang lumimot
Kay Glaiza de Castro mismo nanggaling ang paglilinaw tungkol sa isyu sa mga co-stars niyang sina Maxene Magalona at JC Tiuseco na ang pagkakaibigan ay binibigyan ng kulay dahil lamang sa walang karelasyon sa kasalukuyan ang anak ni Francis Magalona, break na sila ng boyfriend niya.
Naging close si Glaiza kina Maxene at JC, at maging kay Rich Asuncion nang magkasama sila sa isang serye ng GMA 7 , ang Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.
“Baka nami-misinterpret lang ang madalas nilang pagsasama at pagba-bonding. Pero hindi naman silang dalawa.
“Totoong break na si Maxene sa kanyang boyfriend, pero, walang kinalaman dito si JC, hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
“Ako rin naman inili-link kay JC dahil akala nila ibinili ako nito ng pizza pero, si Jace ang bumili hindi si JC,” paliwanag at pagtutuwid ng napaka-ganda pero salbaheng-salbahe sa kanyang role bilang Eunice sa remake ng Koreanovelang Stairway to Heaven.
Close sina Maxene at Glaiza. Maski tapos na silang mag-taping para sa Kung Aagawin… ay nagkikita-kita pa rin sila, lumalabas.
“First time kong magkaroon ng isang kaibigan na totoong tao (referring to the Master Rapper’s daughter). Totoong bonding yung ginagawa namin, hindi showbiz. Kaya nang mag-break sila ng boyfriend niya, nakiiyak ako sa kanya,” dagdag pa ni Glaiza na umaming never pa siyang nagka-boyfriend kaya wala siyang karanasan sa ganitong bagay.
She’s looking forward to working with Rhian Ramos in Stairway….
Mas mean siya sa kanyang role ngayon sa Koreanovela remake.
“I know I will have a enjoyable time being bad to Rhian. Trabaho lang ito. In real life, hindi ako mananakit ng tao para lang makuha ko ang gusto ko,” paglilinaw niya.
* * *
Katulad ni Richard Gutierrez, matagal din bago makalimutan ni Dennis Trillo, kung makakalimutan pa niya ang naging kamatayan ng isang kaibigan na kasama niyang nagbakasyon sa Boracay na nalunod nang tamaan sila ng isang napakalakas na alon.
Ang buhay ni Dennis at isa pa ring kaibigan ay nalagay din sa peligro at kung hindi sa maagap na pagdalo sa nasabing aksidente ng isang rescue team ay baka kasama rin silang namatay sa Boracay dahil tinangay din sila ng mala-higanteng alon.
* * *
Siguradong work to death si Kris Aquino para matustusan ang kandidatura ng kanyang kuyang senador na si Noynoy Aquino sa pagka-presidente sa 2010.
Hindi biru-biro ang pulitika dito sa Pilipinas. Maski nga kapitan ng barangay ay kailangang gumastos para sa kanyang kampanya, yung pagka-presidente pa kaya ang hindi?
Hindi sila puwedeng tumanggap ng tulong na pinansyal, na marami ang madaling magbibigay kung hihingi sila dahil baka malagay sa alanganin at makompromiso ang kanyang posisyon kapag nahalal siya.
Sana nga milyung-milyong piso ang matanggap niya mula sa mga mamamayan na ang hihintaying kapalit lamang ay isang mahusay at malinis na serbisyo mula sa kanya.
Sana nga.
- Latest