^

PSN Showbiz

Dingdong kinukuhang endorser ni Kris para kay Noynoy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balitang inaawitan ni Kris Aquino si Ding­dong Dantes para isa sa maging endorsers ng ka­patid na si Sen. Noynoy Aquino na nag­deklara na ng kandidatura sa pagka-presidente sa 2010 elections.

Kinausap na raw ni Kris ang manager ni Ding­­dong na si Perry Lansigan tungkol dito at tiyak na nakarating na sa actor ang pakiusap ni Kris. Kilala ang actor at open sa pag-a-idolize kay Ninoy Aquino at nakikita natin siyang nagsusuot ng yellow t-shirt ni Ninoy na gawa ng Bench, kahit sa mga TV shows.

Abangan na lang natin ang desisyon ni Ding­dong.

Samantala sa Sun­day, ang grand launching ng Stairway to Heaven sa S.O.P. at sa Monday, after Darna ang premiere nito. Ipinaaalala ni Ding­dong na dapat panoorin sa simula pa lang ang series para mas main­tindihan ang takbo ng istorya. Hindi magsisisi ang viewers dahil pa­wang magagaling ang child stars na guma­ganap sa role ni Cholo, Jodi, Tristan at Eunice.

* * *

Maganda ang trailer ng Nandito Ako…Nagmamahal Sa ‘Yo, ang launching movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Regal Entertainment. Majority ng mga eksena ay kinu­nan sa Bohol at sa poster pa lang, makikita na ang Bohol connection dahil kasama ang Chocolate Hills sa poster. Sayang at ‘di sinamahan ng tarsier, pero mapapanood sila sa pelikula.

First time mapapa­nood si Kris na nag-two-piece at very proud sa kanya si Aljur dahil kahit petite, nasa tamang kur­ba ang katawan nito.

Resulta ito ng kan­yang pagti-training bago kunan ni direk Maryo J. delos Reyes ang peli­kula.

“Conscious na conscious ako na naka-two-piece at unang labas ko sa cottage, naka-shorts at naka-sarong ako. Pero, ipinaalis ni direk Maryo, nagtago nga ako sa likod ni Aljur dahil nahihiya ako. Pumayag din akong mag-two-piece dahil kailangan sa movie at may tiwala ako kay direk Maryo,” pahayag ni Kris.

May paliwanag din si Kris kung bakit nakabuka ang bibig niya sa kissing scene nila ni Aljur. Request daw ni direk Maryo na gawing sensual ang kissing scene nila at sumunod lang sila’t ayaw nang ma-take three pa ang eksena.

Wala pang relasyon sina Kris at Aljur at MU pa rin ang status nila’t focus sila sa kanilang career. Sabi ni Kris, ‘pag magbi-BF siya, si Aljur ang gusto niya at vice-versa. Sa September 30 na ang showing ng Nandito Ako…Nagmamahal Sa ‘Yo.

Tama lang ang playdate ng movie nina Kris at Aljur dahil hanggang Sept. 18 na lang ang All My Life

* * *

Kahit papaano, nabawasan ang galit, lungkot at inis ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na iba’t iba ang kanilang kapareha sa mga series nila sa launching ng bago nilang endorsement. Ang dalawa ang endorsers ng San Marino Corned Tuna na lasang corned beef at ‘di lang fans nila ang matutuwa.

Kaya sinasabi nina Marian at Dingdong na memorable ang second endorsement nila together dahil kinunan sa island sa Zambales kung saan sila nag-taping ng Marimar

Tuwang-tuwa pala ang viewers ng Darna sa episode last Tuesday nang i-save ni Darna si Roma (Nadine Samonte) sa taong-bayan na gusto siyang sunugin. Ang ganda ng eksena nang ilipad ni Darna ang kaibigan at dahil ‘dun, tumaas na naman ang ratings ng Darna.   

AKO

ALJUR

ALJUR ABRENICA

DAHIL

DARNA

KRIS

MARYO

NAGMAMAHAL SA

NANDITO AKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with