Kris biglang gustong gastusan ang kasal ni Noynoy
Hindi naman ako makapaniwalang hindi makakayang gastusan ni Sen. Noynoy Aquino ang sarili niyang kasal. Napanood ko yung interview ni Kris sa TV na kung saan ay sinasabi niyang payag na siyang mag-asawa ang kanyang kuya at puwede rin niyang gastusan ito. Unlike before na hindi lamang siya nagparamdam ng pagtutol dito kundi maging ang kanyang panganay na si Joshua.
Dapat lang naman na kung mag-aasawa si Noynoy ay ngayon na. Hindi na siya bumabata at meron na namang nobya na naghihintay ng kanyang proposal. If ever suwertihin siya, at maging pangulo ng Pilipinas, kailangan niya ng first lady, although cute ‘yung pagkakaroon niya ng first sisters, iba pa rin yung personal na titingin sa kanyang mga personal na pangangailangan, although isa ring public official ang GF niya. Willing ba itong i-give up ang political career niya?
* * *
Obviously, hindi si Rhian Ramos ang aagaw kay Dingdong Dantes kay Marian Rivera. Sabi nga niya sa column ni Vero, kahapon ba yon? alam niyang mayroon nang nagmamay-ari sa aktor kaya off limits na siya. Hindi ibig sabihin may pagnanasa rin siya sa aktor. Tinitingnan niya ang aktor bilang isang kapareha at sana ay tanggapin ng manonood ang tandem nila.
- Latest