^

PSN Showbiz

Kahit kaagaw sa trono AiAi bumilib kay Eugene

- Veronica R. Samio -

Hindi lamang natawa si AiAi delas Alas sa launch­ing movie ni Eugene Do­mingo, nagalingan pa siya sa kaibigan at nagan­dahan sa istorya ng Kim­my Dora (Kambal sa Kiye­me).

Pinanood ni AiAi ang pelikula ni Eugene para lamang makita kung handa na nga ang kaibigan para maging bida.

“She’s more than ready. Noon pang nagka­ka­sama kami ay aware na ako sa kanyang ta­lento. Talagang magaling siya, puwedeng magsolo at feel ko makapagdadala na ng peli­kula. Hindi ako nagkamali.

“Nakita rin ito ni Piolo (Pascual, isa sa apat na producers of Eugene’s movie), kaya ginawan siya ng launching film. Mind you, hindi ito isang indie film but isang mainstream movie na gi­nastusan at pinabonggang talaga,” papuri ni AiAi sa dating sidekick at isa ring kaibigan.

Hindi ba siya nagkaroon ng insecurity kay Euge­ne dahil puwede na nitong agawin ang mga pelikulang iaalok sa kanya?

“Hindi naman. Bagama’t pareho kaming ko­med­yante, magkaiba ang istilo namin nang pagpa­patawa. Siya, may pagka-seryoso,” dagdag pa ni AiAi.

Pumapasok na sa ikalawang linggo ang Kim­my Dora sa mga sinehan. Masuwerte ito dahil nai­pa­­labas sa mga sinehan ng SM.

* * *

Marami ang nakapansin nang pagkawala ni Ogie Alcasid sa SOP nung Linggo. Umuwi kasi ito ng maaga nang aksidenteng matamaan ng microphone ng isang dancer habang sumasayaw na tumama sa kanyang mukha kaya nag­dugo ito. Sa halip na gumawa ng isyu dahil aksidente nga ang nangyari, nag-decide na lamang si Ogie na umuwi.

Bukod sa napansin ng ilang mga kasamahan niya ang nangyari, wala na silang nalaman pang dahilan. Kami nga we’ve just learned this from a member of the show’s production team.

* * *

Sayang, maraming naka-miss ng palabas na ginawa dito ng Hi5, isang grupo ng mga kabataan mula sa Australia na naging bisita kamakailan ng bansa. Hindi kasi naging masyadong maingay ang kanilang pagda­ting dito kaya maging ang mga apo ko na paborito ang kanilang pa­labas sa TV ay hindi nabali­taan ang kanilang pagdating.

Popular ang Hi5 bilang mga hosts ng sarili nilang palabas sa TV na intended for children. Nakakailang palit na ang grupo dahil nagkaedad na ang mga naunang miyembro pero ha­bang nagtatagal lalo lamang nagi­ging sikat ang limang kabataan na binubuo ng dalawang lalaki at tatlong babae, na ang isa sa mga babae ay mukhang Pinoy ­o Asyana habang ang apat pa ay mga mestisa’t mestiso.

True to the group’s tradition, ang ina ng isa sa tatlong babae ay may dugong Pinay kaya madaling na-at home ang grupo sa bansa at nagustuhan ang mga pagkaing isinisilbi sa kanila.

* * *

Isa si Allen Dizon sa mga aktor na naunang nagprodyus ng indie film via his own movie outfit, ATD Entertainment Pro­ductions.

Ang maganda kay Allen, dahil isa rin siyang artista, magagandang pelikula ang nagagawa niya, may mataas na kalidad sa kabila ng kakapusan ng kanyang budget. Hindi ito kinukunan sa iisang lugar lamang at lalong hindi dadalawa ang artista nito.

Co-producer na naman siya sa nakatakdang ipalabas na Marino, starring himself and Ara Mina. Tungkol ito sa buhay ng isang mag-asawa na ang trabaho ng lalaki ay pasakay-sakay ng barko.

Katulad ng mga nauna niyang prinodyus na pelikula, hindi tinipid ang movie. Nag-location ang Marino sa Bulacan, partikular sa Malolos at Paombong at sa Bangkok, Thailand.

ALLEN DIZON

ARA MINA

ENTERTAINMENT PRO

EUGENE DO

MARINO

OGIE ALCASID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with