Mga artista ng GMA 7 naglalakihan ang katawan
Nakikita n’yo ba ang pangangatawan ng mga artists ng GMA 7, ’di ba naglalakihan? Ang mga masel nagpipintugan, parang may buhay ang mga shoulders and arms kapag naglalakad sila at ang mga abs, kitang-kita lalo’t naka-T-shirt lang sila. Dati mga mukha lang ang hinahabol ng tingin sa kanila pero ngayon, mga katawan na nila, parang secondary na lang ang face.
Parang obligasyon na ng mga artista ang magkaroon ng magandang pangangatawan. Hindi lamang ang mga lalaki kundi maging ang mga babae.
Si Marian Rivera, dahil sa kanyang role na Darna ay napilitan ding mag-gym para tumigas ang muscle sa kanyang abs, thighs, at lalo na sa arms. Yun nga lang dahil mga experts ang nagti-train sa kanila, hindi pumipintog ang mga ito, nagiging firm lamang.
Bago si Marian, si Vina Morales ay naging fanatic din sa pagpapaganda ng katawan.
Ang mga lalaki naman, dahil nauuso nga ay nagpapalakihan ng muscle. Akala mo tuloy, naghahanda sila para sa Mr. Philippines.
Maski na si Mark Herras, dumaan sa ganitong proseso, sina Alfred Vargas din, at ngayon ay sina Aljur Abrenica at JC Tiuseco.
Aba mga pare ko, huwag namang masyado at may mga roles na hindi binabagayan ng malalaking muscle. O kaya, malalaki nga ang mga katawan n’yo, wala naman kayong proyekto.
* * *
Aba at napakabigatin pala nitong si Sam Milby. Nireregaluhan ng mamahaling cellphone ang mga kaibigan niyang tsikas. Pero isa sa mga itinuturing niyang friend, si Angel Locsin, ay tumanggi nang binibigyan nito dahil ang gamit niya ay ganun ding brand at bigay sa kanya ng boyfriend niyang si Luis Manzano, noong all is well pa sa kanilang dalawa.
Bravo Angel! You could have accepted the gift for all its worth at wala naman itong strings attached pero, obviously inaalagaan mo ang relasyon n’yo ni Luis kaya tinanggihan mo ito. Pero kung ganito ka kaingat, bakit naghiwalay pa kayo? Nagtatanong lang.
- Latest