^

PSN Showbiz

Imelda hindi lang sa concert umaasa

- Veronica R. Samio -

Dumarami ang mga nagbabalikang local artists sa ating bansa. Ewan ko la­mang kung aktibo pa sila sa kanilang career sa abroad but, definitely, may pag­babago ng “konti” sa kanilang pangangatawan pero the talent has improved a lot.

Unang nagbabalik, makaraang mawala siya ng tatlong taon sa Pilipinas ay si Imelda Papin. Bukod sa maglo-launch siya ng kanyang album na sa US niya ni-record ay gumagawa siya ng negosasyon para maipalabas din dito sa kanyang bansa ang matagumpay na back-to-back concert nila ng bantog na si Melissa Manchester na unang napanood sa Las Vegas.

Malaki na ang ipinagbago na istilo ng pagkanta at boses ng tinaguriang Undisputed Jukebox Queen of the Philippines.

“Pero siyempre, hindi pa rin nawawala yung isti­long paiyak-iyak lalo’t sen­timental songs ang kinakanta ko. Ito kasi ang hinahanap ng mga kaba­bayan natin doon sa Amerika. Sa istilong ito nila ako nakilala kaya hindi pwedeng mawala. Pero kapag mixed ang audience ko, kailangang kumanta naman sa istilong kilala nila. Eh versatile naman tayong mga Pilipino. Pwedeng magpalit ng style ng ora-orada,” sabi ni Imelda na bukod sa nakapaglabas na ng al­bum sa US ay mayroon pa ring sariling TV at radio shows doon.

“Hindi pwedeng sa concerts lang ako umasa para makilala sa ibang bansa. Malaking tulong yung pagkakaroon ko ng regular na palabas sa TV at naririnig nila ako sa radyo.”

Nauna na kay Imelda, ay pabalik-balik na rin ng US at ’Pinas ang mag-asawang Dingdong Avan­zado at Jessa Zaragoza. Bukod sa mga concerts, lumalabas na rin sa TV si Jessa bilang artista.

Parang kailan lamang ay napanood ko namang kumakanta sa TV ang ngayon ay residente na ng Canada na si Joey Albert. Kasa­ma niya si Basil Vadez na nakasama niya sa isang concert dito.

Halos magkasabay namang dumating sina Lloyd Umali at Joanne Lo­renzana ng bansa. Parang hindi sila nawala ng matagal. Bukod sa tumaba lamang ng kaunti si Joanne, mas gumanda ang boses niya. Wala namang malaking pagbabago sa boses ni Lloyd, mas humusay pa siya. Madalas siyang tawaging Michael Bolton ng Pilipinas.

Kapag natuloy pa ang pagdating ng bansa ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, magkakaroon na ng parang exodus ng mga local talents na matagal nang nami-miss ng kanilang mga fans.

* * *

Napaka-unfair naman ni Edu Manzano, nabigyan lang ng award sa na­ka­raang awards night ng Movie and Television Review and Classifica­tion Board (MTRCB) ay inismol na yung mga iba at naunang award na tinanggap niya.

Dapat lang naman siyang magpasalamat sa mga parangal na tinatanggap niya pero not at the expense of the others. Kung hindi siya bilib sa mga ibang awards na ipinagkaloob sa kanya, bakit niya tinang­gap? Mas bumilib pa ako sa kanya kung tinanggihan niya dahil hindi niya feel.

* * *

Parang nakakuha naman ang Born to be Wild ng isang karapat-dapat at bagay na host in the person of Kiko Rustia. Dati kasi mga newscasters ang nagi­ging guest host nang mawala si Romi Garduce who did a wonderful job as host.

Nami-miss nga siya ng maraming viewers ng Wed­­nesday program ng Siete pero, in his absence, ma­gandang replacement si Kiko Rustia, finalist ng 1st edition ng Survivor na kung saan nanalo si JC Tiuseco.

Hindi na siya kailangan pang mag-costume, bagay ang mga damit na isinusuot niya sa kanyang bahagi ng programa na ang kalahating bahagi ay hino-host naman ni Dr. Ferds Recio, orihinal na co-host ni Ro­mi. Isang veterinary doctor si Dr. Recio kaya know­led­gable sa portion niya sa Born to be Wild na nama­mahagi ng impormasyon tungkol sa lahat ng uri ng mga hayop.

* * *

Ang tunay na nagmamay-ari ng ‘Agimat,’ ang pa­milya Revilla, ay lubos na natutuwa at nagpapa­salamat sa ABS-CBN dahil sa mahusay na paggawa nito ng TV adaptation ng Tiagong Akyat, ang unang bahagi ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla.

Dinagsa ng mga tao ang mall show ng mga tagapagmana ng Agimat ni Ramon Revilla, Sr. na sina Gerald Anderson (Tiagong Akyat), Jake Cuenca (Elias Paniki), Coco Martin (Tonyong Bayawak), at Jolo Revilla (Pepeng Agimat) sa SM Dasmariñas kamakailan.

Bilang patunay na may ‘Agimat’ nga ang mga batang aktor, naitala ng SM Dasmariñas ang pinakamalaking bilang ng tao na dumalo sa isang mall show.

AGIMAT

BASIL VADEZ

BUKOD

COCO MARTIN

KIKO RUSTIA

NIYA

RAMON REVILLA

SHY

TIAGONG AKYAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with