Angel naghahanda nang magsalita tungkol kay Luis
Nakailang exposure lang si Ogie Alcasid kahapon sa SOP at biglang nawala. Sa text ng manager nitong si Leo Dominguez, kinailangan daw umuwi agad ni Ogie nang dumugo ang mukha nang matamaan ng dancer na may hawak na microphone at tumama sa mukha ng singer.
Nag-worry ang lahat lalo na si Regine Velasquez sa nangyari kay Ogie pero mas ginusto niyang umuwi na lang kesa humarap sa audience na dumudugo at namamaga ang face. Kaya, hanggang sa ending, hindi na nakita si Ogie.
Ang nangyari, si Janno Gibbs na lang ang nag-promote ng anniversary concert ng kanilang Small Brothers tandem sa States. Mabuti rin at next Sunday pa ang big promo ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie nila ni Michael V. at makakapag-promote pa rin sila.
* * *
Kasama na sa cast ng Rosalinda si Jomari Yllana at ginagampanan ang role ni Alex Durantes, ang record producer na naka-discover at magbi-build up kay Rosalinda (Carla Abellana) na maging singer. Bagay daw sa dalaga ang role ni Rosalinda at bilib siya na nagtapos muna ito ng pag-aaral bago nag-showbiz.
Ano ang first impression niya kay Carla?
“Maganda si Carla, magaling magsalita, maganda ang future at may paglulugaran siya sa GMA 7. Ang selling point niya, hindi siya sexy, pero gumagawa ng kissing scene. Iba ang approach niya,” sabi ni Jomari.
Hindi pa alam ni Jomari kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Carla, pero excited na si direk Maryo J. delos Reyes na kunan ang nasabing eksena. Dahil six months ng walang GF, tinanong ng press ang aktor kung posible siyang magkagusto kay Carla? Posible aniya, kaya lang ay masyadong bata sa edad na 23 years old si Carla sa kanya na 32 years old na.
* * *
Nakibalita kami kay Angel Locsin sa manager nitong si Becky Aguila dahil ang break-up pa rin nila ni Luis Manzano ang paulit-ulit na nasusulat. Sabi ng talent manager, nagpo-focus ang actress sa kickboxing at Muay Thai at sasagutin daw nito ang mga tanong ’pag ready nang humarap sa press.
“She’s already planning to talk,” balita ni Becky.
Itinanggi rin ni Becky ang tsismis kay Angel at sa anak ni Lucio Tan, may asawa na raw ang lalaki at ’di sila close ng actress para sila ma-link. Nagkaroon lang sila ng koneksyon nang mag-partner sa Angel’s Active (sports line ng actress), pero wala na.
Sa makukulit na press people na ayaw siyang tigilan sa rason nang break-up nina Angel at Luis, ang sabi lang ni Becky, loyal girlfriend si Angel at walang third party sa side nito para maging rason ng kanilang pghihiwalay.
- Latest