^

PSN Showbiz

Halikan nina Luis at John Lloyd ramdam ang pagmamahal

- Veronica R. Samio -

It was this kissing scene, an intimacy between two men, that almost prevented Luis Manzano, from doing In My Life, a film that marks a comeback for his mother, Batangas governor Vilma Santos, and also star John Lloyd Cruz.

Hindi naman natin masisi kung mag-alala man si Luis, baka nga naman hindi magustuhan ng mga manonood ang naturang eksena o ang pangyayaring isang bakla ang magiging role niya sa pelikula. Ayaw man niyang maging killjoy sa itinuturing ng direktor ng movie na si Olive Lamasan na isang perfect comeback vehicle para kay Vilma, he had to say no.

Pero nanaig ang kagustuhang makagawa ng isang di malilimutang pelikula, natuloy ang kissing scene ng walang hassle.

“Isa yung paglalapat ng labi na nagpapamalas ng pagmamahal. Ang emosyon na yun ang gusto namin na makita at maramdaman ng manonood, kahit pa ang naghahalikan ay people with the same sex,” anang anak ni Vilma na kahit bago pa lamang sa larangan ng pag-arte ay nagpamalas na ng maturity sa kanyang trabaho.

Walang problema kay John Lloyd, he likes his role. He found it challenging. Matindi ang presure, but he took on the challenge.

Hindi lamang inilagay ang kssing scene para humatak ng manonood. Bukod sa kuwento ang In My Life ng isang ina na humaharap sa krisis ng kanyang buhay dahil tumatanda na siya, kuwento rin ito ng relasyon ng isa sa kanyang mga anak sa isang kapwa niya lalaki, at kung paano niya ito tatanggapin.

* * *

Hindi promo o gimik para sa In My Life ang paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin bago pa man maipalabas ang pelikula. At dahil wala pang reaksiyon dito ang magkabilang panig, sari-saring ispekulasyon ang lumalabas hingil sa split nila. Marahil kapag hindi na matindi ang sakit at makakaya na nilang pag-usapan ito ng walang hapding mararamdaman ang dalawang naghi­walay ng landas, dun pa lamang natin malalaman ang dahilan kung bakit nagpasya silang wakasan ang lahat. Pero habang nananahimik sila, wala tayong magagawa kundi ang maghintay.

* * *

Bakit kaya inakala ng marami na hindi na matu­tuloy ang kasalang Mar Roxas at Korina San­chez nang magpasya ang Senador na umatras sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2010 elec­tions? Akala ba nila ay biro-biruan lamang ang planong pagpakasal ng dalawa, para lamang maging isang malaking propaganda sa kandidatura ng isang presidentiable? Naman! Naman!

Saksi kami sa malabis na pag-iibigan ng dalawa kung kaya nasorpresa kami sa naging pagtanggap ng marami sa desisyon ng groom-to be. Nakita rin namin ang magandang pagtanggap sa matapang na broadcaster ng pamilya ni Sen. Mar nung ma­imbitahan kami sa tahanan ng pamilya Roxas sa Araneta Center nung bago mag-Pasko.

ANGEL LOCSIN

ARANETA CENTER

IN MY LIFE

ISANG

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KORINA SAN

LUIS MANZANO

MAR ROXAS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with