^

PSN Showbiz

Iza naging mabusisi nang lumipat ng bagong bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkaka-insekyuran ang dalawang magaling na young actor na magkasama sa isang hit primetime soap ng isang network. Nakukuwento ang isa sa malalapit nilang kaibigan na sinasapawan ng isa ang isa’t isa at nararamdaman nila ‘yun, hindi man mapansin ng mga kasama nila sa soap.

Umabot pa sa puntong nag-text si Young Actor A sa dating manager ni Young Actor B para isumbong ang pananapaw nito sa kanya tuwing may eksena silang magkasama. Wala namang magawa ang talent manager dahil hindi na niya hawak ang inererek­lamong young actor na actually, hindi na kailangang manapaw dahil magaling siyang artista.

* * *

Kakaiba ang role ni Iza Calzado sa Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie bilang isa sa mga teroristang kikidnap sa Duchess of Wellington. Dusa man dahil kainitan ng araw kinunan ang kanyang mga eksena, nag-enjoy pa rin siyang mapasama sa pelikulang magpapatawa sa moviegoers ‘pag pinanood simula September 23.

Sa Sept. 23 din ang showing ng The Echo na sabi ni Iza, una nang ipinalabas sa Korea at Russia. Umaasa na lang ang actress na parehong panonoorin ang dalawang pelikula’t magka-iba naman ang tema.

Samantala, nakalipat na sa nabiling bahay si Iza sa isang subdivision sa Quezon City na for safety reasons, hindi na niya sinasabi ang location. Sa bagong bahay na siya nag-birthday at dito na rin magpa-Pasko. First Christmas niya sa nabiling bahay, kaya tuwang-tuwa ito.

 “I have a bigger place, but bigger problem din naman. Napansin ko rin na dati, hindi ako mabusisi, ngayon O.C. na ako at lahat napapansin,” kuwento ni Iza.

Si Iza rin pala ang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Panday na entry ng Imus Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival. Malapit na rin siyang mapanood sa afternoon drama ng GMA-7, ang TV remake ng Kaya Kong Abutin Ang Langit.

* * *

Sarado na ang Café Ten Tita’s, ang paborito naming resto sa Gateway Mall na isa sa may-ari’y si Marvin Agustin. Ililipat daw nila sa Greenbelt 5 ang resto at ‘di namin natanong ang actor kung ano ang ipapalit sa isinarang restaurant.

Nasa Korea ngayon si Marvin dahil sa archery competition at September 8 pa ang balik. Sa Sept. 9, magsisimula na siyang mag-taping ng Tinik Sa Dibdib kasama si Sunshine Dizon. Sila ang tampok sa TV remake ng movie na ginampanan nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

First time makaka-pareha ni Marvin si Sunshine after the aborted Gaano Kadalas Ang Minsan at bilang paghahanda, pinanood niya ang pelikula nina Guy at Phillip. Bukod sa matitinding aktingan, ang magpaganda ng katawan ang big challenge kay Marvin. Magandang tulong sa kanya ang archery para maging fit at maging comfortable sa hubaran scenes.

vuukle comment

BONG REVILLA

DUCHESS OF WELLINGTON

FIRST CHRISTMAS

GAANO KADALAS ANG MINSAN

GATEWAY MALL

IMUS PRODUCTIONS

IZA

IZA CALZADO

MARVIN

SA SEPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with