Richard Gomez nawiwili sa TV5
MANILA, Philippines - Dati nang nag-guest si Richard Gomez sa Who Wants to be a Millionaire? ni Bossing Vic Sotto sa TV5, at matapos makipag-reunion sa long-time bestfriend niyang si John Estrada noong nakaraang Linggo sa special episode ng Everybody Hapi sa TV5, sa number 1 Saturday program na Talentadong Pinoy naman ngayon mage-guest si Goma as Talent Scout, kasama si Alessandra de Rossi.
Mukhang nag-eenjoy nang todo ang mister ni Lucy sa TV5 ah. Saang show naman kaya sa TV5 siya susunod na mage-guest? Abangan na lang at panoorin ang pagpasyal niya sa Talentadong Pinoy kasama si Alessandra ngayong Sabado, 7:30PM sa TV5.
Carla nasa power of 10
Ngayong Linggo, Sept. 6 sa Power of 10…
Ang Pinay Rosalinda na si Carla Abellana na kaya ang unang tatanghaling multi-millionaire ng Power of 10? Kayanin kaya ng powers niya ang mga nakaka-tense na tanong sa ginawang survey?
Haharapin naman nina Mark Herras at Rainier Castillo ang hamon ng sampung milyong piso. Laglagan ito to the max dahil bukod sa kailangan nilang i-eliminate ang bawat isa, magkakabukingan din ng sikreto ang dalawa! Sino sa mag-best friend ang makakayang harapin ang 10-million peso challenge?
Find out this Sunday, sa mas pinatindi at mas nakakatensyong game show ng bayan… Power of 10!
After Kap’s Amazing Stories dito lang sa GMA 7!
Mga sikat nakiisa sa pagdiwang ng mga bayaning pinoy
Sa pangunguna ni Judy Ann Santos, nagkaisa ang iba’t ibang Kapamilya stars sa selebrasyon ng Gawad Geny Lopez, Jr., Bayaning Pilipino 2009 Awards Ceremony na mapapanood na ngayong Linggo (Sept. 6) sa Sunday’s Best sa ABS-CBN.
Kabilang sa mga presenters para sa taong ito ay ang mga celebrities na sina Maja Salvador at Rayver Cruz, Tetchie Agbayani at Christopher de Leon, Helen Gamboa at Gian Sotto, Sandra Seifert at Victor Basa, Pokwang at Yachang, Dominic Ochoa at Zaijian Jaramilla at Judy Ann Santos.
Naghandog naman ng kahanga-hangang mga special numbers sina Nikki Gil, Rachelle Ann Go, Yeng Constantino, Gab Valenciano, The Gigger Boys, Laarni Lozada, Juris of MYMP, The Lahing Kayumangi Band, Robert Seña at Bituin Escalante.
Binigyang pugay ng Gawad Geny Lopez, Jr., Bayaning Pilipino 2009 Awards Ceremony ang iba’t ibang natatanging indibidwal sa buong bansa sa pamamagitan ng pitong kategorya: Bayaning Kabataang Pilipino, Bayaning Gurong Pilipino, Bayaning Balik Lingkod, Bayaning Pilipino sa America, Bayaning Pilipino sa Gawing Japan, Bayaning Pamilyang Pilipino, at Bayaning Pilipino (individual).
Nagsimula ang Bayaning Pilipino Awards nang malaman ng kilalang philanthropist at dating ABS-CBN chairman, ang yumaong Eugenio Lopez, ang balita na may isang Pilipinang domestic helper sa Hong Kong na nagbigay ng kanyang buhay upang maligtas ang kanyang inaalagaang bata mula sa isang car accident. Taong 1994, kasama ang Ugnayan at Tulong Para sa Maralitang Pamilya (UGAT) Foundation, Inc. sa pangunguna ni Fr. Nilo Tanalega, SJ, natatag ang Bayaning Pilipino Awards.
Kasama sina Mariel Rodriguez, Kim Atienza at Anthony Taberna bilang hosts, huwag palampasin ang Gawad Geny Lopez Jr., Bayaning Pilipino 2009 Awards Ceremony.
- Latest