Pagpapakasal ni Noynoy parating nauudlot
Excited na si Mother Lily Monteverde sa launching movie ng loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na Nandito Ako… Nagmamahal Sa ‘Yo.
“Excited ako sa pelikulang ito dahil Regal has always been the prime mover of love eams since the time of Nora (Aunor) and Tirso (Cruz), Vilma (Santos) and Boyet (de Leon), Maricel (Soriano) and William (Martinez) and many more, at ngayon, dumating na ang time nina Aljur and Kris,” sabi ng Regal matriach.
“Lagi akong nai-excite pag may inilo-launch kaming loveteam to full stardom sa isang pelikula, lalo pa’t ginastusan talaga ang pelikula nina Aljur and Kris,” dagdag naman ng anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde Teo.
Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa magandang lugar ng Bohol.
Bigatin ang director na humawak ng pelikula, si Direk Maryo J. Delos Reyes.
May napatunayan ang dalawa sa TV. Pumalo sa mataas na rating ang kanilang pinagbidahang Dapat Ka Bang Mahalin at itong All My Life na kasalukuyan pa ring napapanood sa GMA 7.
Showing na sa September 30 ang Nandito Ako… Nagmamahal Sa ‘Yo nationwide at may premiere night sa September 27 sa SM Megamall.
Kasama pa rin ang pelikulang ito sa anniversary offering ng Regal Films.
* * *
Walang masyadong kuwento sa showbiz ngayon. Kaya naman, kahit mga taga-showbiz, nakiki-diskusyon na sa pulitika dahil sa koneksiyon nito.
Si Noynoy Aquino ang favorite nilang topic. Narinig kong pinag-uusapan na siguradong si Kris Aquino na raw ang magiging first lady oras na kumandidato itong pangulo at palaring manalo.
Common knowledge daw na malaki ang impluwensiya ni Kris sa nakatatandang kapatid na lalaki.
Pati nga raw ang paggo-grocery ni Noynoy alam ni Kris.
In fact, ultimo raw ang plano sanang pagpapakasal ni Noynoy ay hindi matuluy-tuloy dahil wala pang approval ang kanyang pamilya.
Mabenta rin sa kuwentuhan at sa twitter sina Ms. Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas.
Pero nakakaloka na naimbyerna ang loyal fans ni Megastar Sharon Cuneta kay Ms. Korina. Bakit daw kailangang banggitin pa ng lady broadcaster ang ginawa niyang pagtulong noon kay Sen. Kiko Pangilinan.
Hurt sila. Sana raw ay naghinay-hinay sa pagsasalita si Ms. Korina.
Anyway, masaya kasi silang pag-usapan lalo na sa twitter at sa mga kuwentuhan over a cup of coffee with matching chocolate cake.
* * *
Maraming phone in question : Bakit daw tinanggal na si Jolina Magdangal as host ng bagong edition ng Starstruck V na nagkaroon ng launching last Sunday sa SOP.
Pinalitan na siya ni Carla Abellana kasama sina Dingdong Dantes at Raymond Gutierrez.
Pinilahan ang nasabing first audition kesehodang Linggo at mataas ang sikat ng araw.
Ang Starstruck ay open to all male and female, 16-23 years-old, Filipino Citizen, and with talent in singing, dancing and acting.
Narito ang iba pang lugar at petsa ng audition:
Auditions will begin at 10am on the following dates and venues: GMA Network Center (August 31 to September 4; September 7 to 11; September 14 to 18; September 21 to 25; and September 28 to October 2); CSI Dagupan on September 5 and 6; SM Pampanga on September 5 and 6; SM Cebu on September 5 and 6; SM Cebu on September 12 and 13; SM Davao on September 12 and 13; SM Iloilo on September 12 and 13; SM Cagayan de Oro on September 19 and 20; SM Molino on September 19 and 20; SM Bacolod on September 19 and 20; and SM Naga on September 25 to 27.
Applicants must bring the original and photocopy of their birth certificate, as well as whole body and close-up photos. Those below 18 years need a written consent from their parents, original and photocopy of their parent’s valid ID in order to qualify for the auditions.
- Latest