^

PSN Showbiz

Alyssa na-hypnotize

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Gusto kong maawa pero mas nananaig sa akin na sermunan si Alyssa Alano kapag nagkita kami bukas sa Startalk dahil nabiktima siya ng Dugo-Dugo Gang.

Mas maiintindihan ko yata kung ang kasam­ba­hay o ang personal assistant ni Alyssa ang naloko ng mhin na nagpakilalang si Ricky Lo dahil hindi na­­man nila kabisado ang boses ni Papa Ricky o ang cellphone number nito.

Pero mismong si Alyssa ang nabiktima at naki­pag­kita sa impostor na humarbat sa mga gift cer­tficate na nagkakahalaga ng P50,000 with matching perfume! Nakakaloka di ba?

Mabait sa dilang mabait si Alyssa. Mapagtiwala siya sa kapwa pero para maloko siya dahil lang sa isang tawag sa telepono, hindi na kabaitan ang ta­wag doon. Ano ba ‘yung tawagan niya ako o ang staff ng Startalk para ma-confirm niya kung talagang nangangailangan ng mga gift certficate si Papa Ricky.

Sinasabi ni Alyssa na na-hypnotize siya ng lalake habang magkausap sila sa cellphone. Sa telepono pa lang ‘yon ‘ha? Paano pa kung nagkaharap sila nang matagal?

Pasalamat na lang si Alyssa dahil walang ibang ma­samang nangyari sa kanya pero hindi ito mang­ya­yari kung pinairal niya ang pagiging malisyosa o nagduda siya kahit konti.

Magpasalamat din siya dahil na-convert sa GC ang P50,000. Puwedeng hindi magamit ng manloloko ang mga GC kapag na-report ito sa management ng SM. Paano na lang kung datung ang ibinigay ni Alyssa sa kriminal? Eh di parang nag­laho sa hangin ang pera na kanyang pinaghirapan!

Aral sa ating lahat ang nangyari kay Alyssa. Kung makakatanggap kayo ng tawag sa telepono mula sa tao na nangungutang at kahina-hinala ang mga sinasabi, huwag magdalawang-isip na mag-imbestiga o magsumbong sa pulisya!

* * *

Natawa ako sa sinabi ni Papa Chavit Singson sa interbyu sa kanya ng dzRH. Inamin ni Papa Chavit ang pang-uumbag sa mhin na nakita niya na ka­sama ng kanyang dating partner na si Che.

May mga ebidensiya na pinanghahawakan si Papa Chavit na magpa­pa­tunay na nagtaksil si Che.

Nakunan yata ng litrato ang lalaki na nakahubad. Ang sey ni Papa Chavit, maliit ang notaryo publiko ng mhin na hindi niya pinangalanan.

Nagtatanungan ngayon ang mga interesado sa kaso. Gusto nilang malaman ang name ng mhin. Dahil wala pang nakakaalam sa name ng mystery guy, itago muna natin siya sa pangalan na Tweety Bird.

* * *

Congrats kay Eugene Domingo dahil nabalitaan ko na hit ang kanyang launching movie. Talagang pinipilahan daw ang pelikula kaya may debate ngayon, si Eugene na ba raw ang bagong Comedy Queen?

Hindi ang sagot ko dahil si AiAi delas Alas pa rin ang current Comedy Queen. Puwede na siguro kay Eugene ang title na Comedy Princess dahil kahit saang anggulo tayo tumingin, hawak ni AiAi ang korona ng Comedy Queen. Matatagalan bago mapantayan ng ibang komedyana ang achievements ni AiAi.

ALYSSA

ALYSSA ALANO

CHAVIT SINGSON

COMEDY PRINCESS

COMEDY QUEEN

DAHIL

DUGO-DUGO GANG

PAPA CHAVIT

PAPA RICKY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with