Star Magic nangangailangan ng mga artista
MANILA, Philippines - Sa tradisyon ng Star Magic sa pagdiskubre ng mga baguhang artista, muli nitong binubuksan ang pintuan sa mga bagong mukha at potensyal na maging artista. Sa mga gustong mag-aral at matuto mula sa mga batikan at premyadong mga direktor at artista sa pelikula at telebisyon, magbubukas ang public workshop sa Oktubre hanggang Disyembre 2009.
Ang mga batikan at premyadong pangalan na sina Bodjie Pascua, Direk Mel Chionglo, Direk Phil Noble, Vangie Labalan, Ricky Lee, Jake Macapagal, Ednamae Landicho at marami pang iba ang mamumuno ng basic acting workshop for TV and Film. Ang workshops ay pamumunuan ng Star Magic director na si Direk Rahyan Carlos, director ng upcoming Susan Roces Sineserye klasik na Florinda na pinagbibidahan ni Maricel Soriano. Bukod sa acting workshop for teens & adults, mayroon ding acting workshop for kids at dance workshops.
September 06, 2009 ang ikalawang araw ng registrasyon. Limited slots lang ito at first come, first service basis. Para sa mga karagdagang detalye, tumawag sa ABS-CBN Star Magic 415-3828 or 415-2272 local 5142, text workshops to 2366 o mag-e-mail sa [email protected]
- Latest