Jennifer at Steve magkaibigan lang sa management
MANILA, Philippines - Naramdaman mo na ba na walang pinatutunguhan ang iyong buhay, lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig? Pero sa oras na handa ka nang sumuko at tanggaping mabubuhay ka nang nag-iisa, bigla na lamang may isang taong darating upang baguhin ang lahat ng ito? Ganito rin ang kuwento ng isang binatang walang direksiyon ang buhay sa bagong romantic comedy na Management. Magbubukas na sa inyong mga paboritong sinehan simula September 9. Bida rito ang Hollywood sweetheart na si Jennifer Aniston at ang komedyanteng si Steve Zahn.
Ang Management ay tungkol sa ‘di-inaasahang pagtatagpo nina Mike Cranshaw (Steve Zahn — Happy, Texas, Out of Sight) at Sue Claussen (Golden Globe winner Jennifer Aniston — The Break-Up, Marley & Me). Nang mag-check in si Sue sa isang motel na pag-aari ng mga magulang ni Mike sa Arizona, ang pagtatagpong nagsimula sa isang bote ng alak na handog ng management ng motel ay nauwi sa isang paglalakbay ng dalawang taong naghahanap ng kahulugan sa kanilang buhay. Si Mike ay isang lalaking walang direksiyon ang buhay ngunit nang makilala niya si Sue, nag-desisyon siyang iwan ang kanyang trabaho at puntahan ang dalaga sa bahay nito sa Maryland upang ligawan. Ngunit matutuklasan niyang magkaibang-magkaiba ang buhay nilang dalawa. Dito rin niya madidiskubre na nakatakdang balikan ni Sue ang ex-boyfriend nitong si Jango (Woody Harrelson — The People Vs. Larry Flynt, No Country For Old Men) na isang yogurt mogul. Ngayong nakikilala na niya ang tunay na Sue, magkatuluyan pa rin kaya silang dalawa?
“The characters in the film have gaping human needs that are driving them, and when you have that you can go as broad as you want if it’s grounded in this human need to connect,” paliwanag ng writer/director na si Stephen Belber.
Panoorin kung paano magkaka-inlaban ang isang lalaki at isang babaeng nabubuhay sa magkaibang mundo sa Management. Isa na namang romantic na paghahandog mula sa Viva International Pictures.
- Latest