^

PSN Showbiz

John Lloyd pasok na sa Walk of Fame Philippines

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakabuti ng malaki sa akin ang pagkaka-imbita ko sa press launch ng In My Life na nagtatampok kina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Bukod sa nakakuha ako ng materyal para sa aking column dito sa PSN at para rin sa aking radio program sa DZBB, nagawa ko rin na maipaabot kay John Lloyd ang imbitasyon ko para maging bahagi ng Phils. Walk of Fame sa Disyembre na kung saan, mayroon na namang mga sampung bagong pangalan ang masasama sa mahigit na 100 na pa­ngalan na immortalized sa Eastwood City Libis.

Muli inaabot ko kay Vilma ang imbitasyon ko na daluhan naman ang aking gagawing pagpaparangal sa 10. Mayroon na siyang name dun pero, hindi siya nakadalo sa pormal na paglalagay ng kanyang pangalan. Nangako naman siya na dadalo na. Sana nga makita ko siya.

* * *

Marami akong naririnig na playing favorites daw ako sa mga pinipiling makasama sa Walk of Fame. Dahil hindi naman totoo at talagang malayo sa katotohanan, hindi ko ito pinapansin. Nakapag-invest na ako hindi lamang ng panahon at hirap, not to mention the high cost of the materials that we use for the projects para masira ito ng mga haka-haka at intriga. The project is beyond intrigues, ginawa ko ito bilang pagpapahalaga at pagbibigay parangal sa mga artista sa local showbiz na nakapagbigay ng mahalagang kontribusyon nila sa industriya.

Unang binigyang pagpapahalaga ko yung mga senior stars na ang karamihan ay wala na sa ating piling. Pero hindi naman magiging maganda ang mga kaganapan kung wala man lamang makikitang celebrities sa mga ginaganap na unveiling kaya, pinaghahalo ko ang mga veteran stars, present day stars at maski na yung mga kabataang artista na ipinagtataas ng kilay ng marami pero, sa totoo lang, walang age limit ang mga nailalagay sa Walk of Fame. Wala ring napipili dahil sa paboritismo.

Ayan, I think I’ve set the record straight. I hope.

* * *

Sayang at late na natin na-discover ang comic talents ni Mommy Dionisia, tinatawag ngayong PacMom. Kung hindi baka nun pa man, nag-artista na siya. ‘Di paris ngayon na hati na ang kanyang atensiyon, sobra na siyang busy sa kanyang mga civic projects. Yes marami siyang mahihirap na tinutulungan na makakatulong naman ng malaki sa magiging kandidatura ng kanyang anak sa 2010. Di na niya kailangang iwan pa ang GenSan. Di paris ng pag-aartista na may location na pinupuntahan at nakakasira sa kanyang mga sked sa kanyang mahal na probinsiya.

Ang maganda kay PacMom, hindi siya kailangang mag-exert ng effort para makapagpatawa. Natural na komedyante siya, thanks to her Visayan accent, hindi na niya kailangang mag-isip pa ng gimik. She is also in a position para umoo at humindi sa isang project. Mapipili na niya ang gusto niyang gagawin at hindi.

EASTWOOD CITY LIBIS

IN MY LIFE

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LUIS MANZANO

MOMMY DIONISIA

VILMA SANTOS

WALK OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with