Richard mamamangha sa Planet Philippines
Ang primetime king at isa na ring environmental hero na si Richard Gutierrez ay magbabalik sa telebisyon matapos ang tagumpay ng action-fantasy series na Zorro. Ang aktor ang napiling host sa Planet Philippines, isang GMA News and Public Affairs Environment Special.
Nalibot ni Richard ang buong bansa para maipakita ang ilang magagandang lugar sa Pilipinas na hindi pa alam ng karamihan. Sinamahan ni Richard ang GMA 7 team sa pag-akyat sa mga bundok at pagsisid sa mga dagat, habang nagbibigay-aral sa mga tao tungkol sa pagpapahalaga sa kapaligiran. Siya mismo ay namangha sa ganda ng Pilipinas at namulat sa kahalagahan ng natural resources.
Nakatanggap na ng Fr. Neri Satur Award for Environmental Heroism at celebrity spokesperson ng Green Peace, si Richard din ang host ng dalawang naunang special programs ng GMA 7, ang GMA: Signos (tungkol sa global warming) at Full Force (mga kalamidad).
Hinikayat naman ni Richard ngayon ang mga manonood na abangan ang Planet Philippines sa Sept. 6 sa Kapuso Network.
Dantes Peak Sa SNBO
Makisaya, makisayaw at kilalanin ang tinaguriang country’s sexiest man na si Dingdong Dantes sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang special docu-musical ngayong Linggo sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA 7.
May titulong Dantes Peak, puno ng kwentuhan, sayawan at kantahan ang dalawang oras na docu-musical na ito na magpapakita kung sino si Dingdong Dantes noon at ngayon. Isasalaysay mismo ng aktor ang kanyang kabataan, kung paano siya nagsimula sa showbiz, ang kanyang mga tagumpay at pati na rin ang mga bago sa kanyang buhay.
Kabilang sa mga highlights ng Dantes Peak ay ang reunion ng aktor sa kanyang dating dance group na Abztract Dancers.
Babalikan din niya ang TGIS days kasama sina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Makakasama rin ni Dingdong sa okasyong ito ang mga Kapuso stars na sina German Moreno, Joey de Leon, Richard Gomez, Ogie Alcasid, Iza Calzado, Sunshine Dizon, ang kanyang bagong leading lady na si Rhian Ramos at marami pang iba.
Hindi rin dapat palagpasin ng mga manonood ang reunion ng most sought after loveteam sa telebisyon na sina Dingdong at Marian Rivera dahil magkakasama sila sa isang one-on-one tell-all interview!
Alamin kung ano ang espesyal na ginawa ni Dingdong para sa kanyang mga loyal fans at ano ang mga bago sa buhay ng sikat na aktor ngayon na ihahayag niya sa nasabing selebrasyon!
Mapapanood ang Dantes Peak ngayong Linggo (Agosto 30) sa SNBO pagkatapos ng Show Me Da Manny sa GMA 7.
Dingdong sa Life And Style
May isang batang tagahanga ni Superman at ng Hollywood actor na si Christopher Reeve. Nangarap din ang batang ito na si Jose Sixto Dantes III na maging piloto.
Sa edad na 16 ay sumali siya sa Abztract Dancers,18 naman siya nang maging regular sa cast ng TGIS. sa pangalang Dingdong Dantes at itinambal kay Antoinette Taus sa ilang pelikulang pang-tinedyer sa bakuran ng Viva Films.
Sa edad na 29 ay isa na siyang mabiling product endorser, sikat na aktor sa pelikula at paboritong leading man sa mga telenovela ng Kapuso.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11 ay bisita si Dingdong. Hahalukayin ng host-producer na si Mother Ricky Reyes ang kanyang makulay na buhay. Pati na ang maligayang relasyon nila ni Marian Rivera na tiyak na may hatid na kilig sa publiko.
Finale na at announcement ng winner sa first Search for TESDA Idol na one of its kind reality show hosted ni Tito Buboy Syjuco. Isa sa 12 finalists ang mag-uuwi ng titulo at malalaking papremyo.
Abangan ang mga bago at kakaibang segments na mapapanood sa mga darating na episode ng LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision.
Iba’t ibang schools, yayanigin ng MYX SLAM JAM 2009
Bibisitahin ng MYX, the number one music channel in the Philippines, ang dalawa sa masuwerteng paaralan bitbit ang pinakamalalaking rock bands ng henerasyon para sa MYX Slam Jam 2009 sa Aug. 31 at Sept. 24.
Matapos mag-rock ’n roll sa San Sebastian College kasama ang Callalily at Pupil, yayanigin naman ng MYX Slam Jam 2009 ang University of the Philippines Los Baños sa Laguna sa Aug. 31 (Monday). Matutuwa ang mga UPLB students dahil makakasama nila ang Sandwich, nominado para sa iba’t ibang awards noong 2008 MYX Music Awards, at ang cool na cool na bandang Pedicab.
Sunod sa listahan ng must-visit list ng MYX Slam Jam ay ang Adamson University sa Sept. 24 (Thursday). Makakasama rin ng MYX ang ilan sa pinakakilalang Pinoy bands ng bansa.
Kasama ang MYX VJs bilang hosts, ang MYX Slam Jam 2009 ay ang yearly campus tour ng MYX at isang free concert para sa mga estudyante. Nasa ika-apat na taon na, ito ay ginawa para sa mga UAAP at NCAA schools at ngayo’y kasama na rin ang non-UAAP/NCAA campuses tulad ng UP Los Baños at NCBA.
Para sa iba pang updates sa upcoming events at schedules, tumutok lang sa MYX (Sky Cable Channel 23), available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver, at iba pang quality cable operators nationwide. Mag-log on lang sa www.myxph.com, para sa iba pang impormasyon.
- Latest