Sarah at Juday movie sure na! Say ng expert sa kampanya, gastos ng magpi-presidente aabot sa limang bilyon
Confirmed na ang Nov. 7 concert sa Araneta Colesium ni Sarah Geronimo. Yup, balik-Araneta ang box-office queen.
Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah sa Araneta Coliseum.
Wala pang guest ayon kay Mr. Vic del Rosario. Pero definite na raw ito sa Nov. 7.
Bukod sa nasabing concert, sinusulat na ang script na pagsasamahan nina Sarah at Judy Ann Santos na pelikula under Viva Films. Comedy daw ang pelikula at gaganap na magkapatid ang dalawa.
May sisimulan na rin daw si Sarah na weekly continuing show sa ABS-CBN.
Kuwento pa ni Mr. del Rosario, ang dating walong provincial concert nito ay umabot na sa 15 na on-going hanggang ngayon. “Grabe, ma-amaze ka sa rami ng tao sa lahat ng puntahan ni Sarah,” sabi ni big boss ng Viva Group of companies.
Malakas din daw ang benta ng latest album ni Sarah na kasama ang kanyang bagong hit song na Dahil Minahal Mo Ako.
* * *
Narinig ko sa isang umpukan ng mga expert sa pulitika na ang kailangan palang budget ng isang tatakbong presidente ay P5 billion and P100 million for a senator
Yup, you read it right.
Ganun kalaki. Kahit ako nahilo.
Hindi raw puwedeng bumababa sa ganun kalaking halaga ang gagastusin ng isang magpi-presidente lalo na ngayong panahon na sa TV ads pa lang ay milyon na ang halaga. Idagdag pa raw ang bayad sa mga ahensiya na naghahawak sa kanila at nagde-develop ng kanilang mga strategies na gagamitin sa kampanya.
Milyon din daw ang halaga dun at sky is the limit ang mga pulitiko sa pagbabayad.
Kung ganun kalaki, bakit ang daming gustong tumakbong presidente at senador, isama na rin ang vice president.
Paano babawiin ng mga ito ang mga nagastos nila kahit na sabihing maraming magdo-donate. Hindi naman puwedeng iasa lang yun sa mga bigay. Kahit paano malaki ang manggagaling sa kanilang sariling bulsa.
Kung itinutulong na lang nila sa mahihirap ang nasabing halaga baka sakaling mawala ang mga batang nagkalat sa kalsada at mga batang nagta-trabaho sa murang edad.
- Latest