^

PSN Showbiz

Michael Jackson nakitang buhay sa video

-

Kumalat kahapon sa internet ang isang video na nagpapakita umano na buhay pa ang King of Pop na si Michael Jackson.

Sa video na ipinakita rin sa website ng TMZ.COM, bumababa mula sa likuran ng van ng coroner si Jackson nang araw na dalhin sa morgue ang kanyang bangkay makaraang mamatay ang singer noong Hunyo 25.

Bahagyang madilim ang kuha ng video at makikitang may isang lalaki na mahaba ang buhok at bumaba mula sa van.

Iginigiit nang nakakuha ng video na si Jackson ang lalaki.

Sabi raw sa LiveLeak Post, “Tiningnan ko ang license plate number at mukhang ang King of Pop ang tumatalon mula sa van, nauna nang ipinasok sa morgue ang sinasabing bangkay niya. Nakuha ko ang original ng video tape mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante. Maraming taon na kaming magkakilala. Nakakatiyak ako na totoo at buhay si Michael.”

Wala pang kumpirmasyon sa balitang ito pero madadagdag ito sa misteryong bumabalot sa pagkamatay ni Jackson na ang bangkay ay hindi man lang nasilayan ng kanyang fans noong nakaburol siya. May nauna ngang lumabas sa ulat na wala sa loob ng ataul ang bangkay ni Jackson nang ipakita ito sa memorial service.

Bukod dito, inililihim ng kanyang pamilya ang kanyang libing.

Sa pagbugbog kay Rihanna Chris Brown sentensyado!

Nasentensyahan si Chris Brown dahil sa kaso nang pananakit kay Rihanna. Binigyan ang R&B singer ng limang taong probation, anim na buwang pagtulong sa komunidad (community labor), at inutusang umiwas sa dating girlfriend sa loob ng limang taon ni Los Angeles Superior Court Judge Patricia Schnegg.

Ayon pa sa hukom, maaaring madala sa state prison si Brown kung malalabag niya ang kanyang sentensiya, kabilang na ang order na dumistansya ng mga isangdaang yarda (100 yards) kay Rihanna, maliban na lang kung magkakasama sila sa mga music industry events na maaring magkalapit ng sampung yarda.

Gagawin ni Brown ang kanyang sentensiya sa kanyang lugar sa Virginia at ang community labor naman ay babantayan ng police chief sa Richmond na si Bryan T. Norwood.

Sinabi pa ni Judge Schnegg na gusto niyang masigurado na ang gagawin ni Brown, 20, ay physical labor kesa sa community service, tulad ng pagtuturo sa mga kabataan. Bukod doon, ika-counsel din ang singer tungkol sa domestic violence.

Dalawang bayolenteng insidente ang nabanggit sa court hearing pero hindi nai-report sa pulisya. Ang unang insidente ay nangyari tatlong buwan bago ang kontrobersyal na pananakit noong Pebrero habang nagbibiyahe ang dating magkasintahan sa Europa. Nasampal ni Rihanna, 21, si Brown at naitulak siya nito sa dingding.

Sa pangalawang insidente, naulat na sinira ni Brown ang harap at gilid na salamin ng sinakyang Range Rover noong papunta sa Barbados, ang bayan ni Rihanna.  (AP)

vuukle comment

BROWN

BRYAN T

BUKOD

CHRIS BROWN

JUDGE SCHNEGG

KANYANG

KING OF POP

LOS ANGELES SUPERIOR COURT JUDGE

MICHAEL JACKSON

RIHANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with