TAROT ni Marian Graded A ng CEB
Rated A ng Cinema Evaluation Board ang Tarot na pelikula nina Marian Rivera at Dennis Trillo ng Regal Films.
Namana ni Marian, bata pa lang siya sa kanyang lola ang galing sa panghuhula gamit ang tarot card. Si Gloria Romero ang gumanap niyang lola. Kapiranggot lang ang papel ng beteranang aktres dahil inatake agad siya sa puso.
Kontra ang nanay niya (Marian) na ginampanan ni Susan Africa na manahin niya ang tawag ng nasabing gawain. Pero bata pa lang, ramdam na niya ang ‘tawag.’ Nahulaan niya na uulan ng snow at may mamamatay na dalawa sa kanyang pamilya. Pareho yung nangyari at doon magsisimula ang malalim na kuwento ng pelikulang Tarot na dinirek ni Jun Lana.
Magaling na aktres na si Marian. Nakaya niyang i-justify ang kanyang papel.
Kahit naman si Dennis, parang wala lang ang role na boyfriend ni Marian na nawala ng dalawang linggo pero nahanap sa tulong ng tarot cards. Pero hindi lang sa tarot card ang ugat ng lahat ng mga pagmumulto at ang pagkamatay ng maraming mahal sa buhay ni Marian.
Malakas ang gulat factor ng Tarot.
Mukhang sinusuwerte si Marian. Mataas ang rating ng Darna. Balitang umabot na ng almost 47.
At ang Tarot dahil sa gulat factor, siguradong papatok na by the way ay magsisimulang mapanood sa mga sinehan ngayong araw.
* * *
Kuwento rin ng manghuhula gamit ang tarot cards ang pangalawang pelikulang napanood namin sa CEB, ang Manghuhula na bida si Eula Valdez, Glaiza de Castro, and Emilio Garcia na Graded A din.
Kuwento naman ng karaketan sa panghuhula ang Manghuhula na isang indie film.
Sa kuwento, merong isang lugar na maraming manghuhula na may sindikato. Mag-ina sina Eula at Glaiza sa pelikula. Magaling na manghuhula ang nanay ni Eula. Namatay siya na hindi nalalaman ni Eula dahil lumayas siya sa kanilang lugar nang mahulaan niyang may mamamatay noong nag-uumpisa pa lang siya. Pero unti-unti sa takbo ng kuwento ng pelikula, malalaman na namatay si Chanda Romero hindi sa atake sa puso kundi sa nakita niyang ‘kapangyarihan’ para sa kalayaan ni Eula.
Ang Manghuhula ay produced partly through a grant given by the National Commission for Culture and the Arts.
Kasama rin sa pelikula sina Chanda Romero, Emilio Garcia, Pinky Amador, Bella Flores with special participation of Angel Aquino, Epy Quizon, Mark Gil, Meryll Soriano, John Lapus, Mel Martinez, Tuesday Vargas, Candy Pangilinan, Harlene Bautista, and many more. The film is directed by Paolo Herras, who also directed films such as Lambanog and Rekados which competed in prestigious international film festivals in Japan, India, and Italy.
The film premieres on September 9 in major cinemas. For more info, check out www.ap2407.com.ph.
Mamili kayo. O kung hilig n’yo ang kakaibang pelikula watch n’yo na lang pareho.
- Latest