Ruffa ayaw mag-react sa balikang John Lloyd-Liz
“Okay, next,” ganito na lang kaikli ang reaksiyon ni Ruffa Gutierrez sa POV segment ng The Buzz nitong Linggo makaraang ibalita na nagkabalikan na umano sina John Lloyd Cruz at Liz Uy.
Ito’y matapos ding magbigay ng komento ang mga co-hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino with the latter monopolizing the discussion. Noong sabihan si Ruffa sa floor na wala na palang kasunod na ibang item, it segued to a gap.
Yun ang napanood ng mga viewers. Pero ang inyong lingkod na naroon sa studio ng mga sandaling ’yon bore witness to a more interesting off-camera instance.
Tanong ni Kris kay Ruffa: “Why did you not react?”
Sagot naman ni Ruffa: “I should be quiet and fabulous!”
Oo nga naman, a real trouper that she is ay kineri pa rin ni Ruffa na sumipot sa kanyang hosting job sa kabila ng kanyang masamang pakiramdam. Oh, she looked fabulous in her purple dress complete with eye-popping accessories!
But was Ruffa quiet? Hindi. Ayaw magpaawat ng TV host-actress nang lapitan ko siya backstage, hoping na isulat ko naman siya at hindi na lang puro ang kapatid niyang si Richard just because I’m from GMA 7.
Pasakalye lang pala iyon to an even more violent reaction.
“Oo naman, why would I react to an issue that does not concern me at all?” patungkol kina John Lloyd at Liz.
* * *
Aminado si Bacoor (Cavite) Mayor Strike Revilla that he is not as showbizy as his older brother Senator Bong. “May pagkamahiyain kasi ako, eh,” pag-amin nang umamin ding single parent na alkalde sa press.
But Strike had to be visible lalo’t simula sa Aug. 31 ay pangungunahan niya ang pagdiriwang ng Bacood Festival ’09 in celebration of the municipality’s 338th founding anniversary.
Isang buwan ang serye ng mga aktibidades, from boxing to Ms. Gay Beauty Pageant, na ngayon lang niya magagawa on his third year of office.
Ilan lang sa mga hallmarks ng panunungkulan ni Strike ay ang pagbubukas ng 24/7 lying-in maternity at emergency clinics, Botika ng Barangay, day care centers, special education schools, at ang Strike Halfway House na pansamantalang kumakalinga sa mga kapuspalad na kabataan at kababaihan.
* * *
Sa darating na Sabado sa Metrobar, magbo-volt in sina Sam Milby at Richard Poon in a love-filled concert titled Power Boys.
Medyo matagal-tagal na rin mula nang huling magtanghal nang sabay sina Sam at Richard.
Sey ni Sam: “Ironically, Richard and I are under the same business manager, but we don’t get to perform together very often.”
Buwelta naman ni Richard: “Sam has been very supportive ever since I started singing professionally.”
Kung hindi pa mutual admiration society ang grupong kiinabibilangan ng dalawang guwapong singer, I don’t know what is.
Special guests ng Power Boys ay sina Danita Paner at Ynna Asistio plus Chokoleit. Ka-join din ang biriterang si Camille Bangoy. Produced ito ng Front Desk Entertainment Production ng kaibigang Jobert Sucaldito.
- Latest