Imelda dinadalaw na lang ang 'Pinas
Tatlong taon na palang hindi nakakauwi ng Pilipinas si Imelda Papin. Nakadalaw lamang siyang muli para i-promote ang dalawang gabing concert nila ni Melissa Manchester na magaganap sa buwan ng Setyembre. Ang konsyerto nila ay tinao sa Las Vegas kaya naisipang dalhin dito ng nagprodyus din ng show doon.
Isa si Imelda sa maituturing kong magaling na performer, lalo na kung nasa stage siya. Marami ring umiwas na singer sa direktang pagtatapat kay Imelda, lalo na noong kasagsagan pa ng US bases dito.
Patutunayan niyang muli ito sa concert na gagawin niya sa Philippine International Convention Center at sa Waterfront sa Cebu.
* * *
Kinumpirma na ni Cesar Montano ang pagtakbo niya bilang gobernador ng Bohol.
Malaki rin ang mawawala kay Cesar kung magpu-pulitiko siya pero siguro nga mas magiging maligaya siya kung magseserbisyo siya sa tao. Sana magsilbi siyang ehemplo ng mga artista na nagpulitiko at naging mabuting lingkod-bayan. Sa ganitong paraan, maraming artista na ang bibigyan ng mga tao ng pagkakataon na maging pulitiko.
Magiging asset niya ang asawang si Sunshine Cruz sa tatahakin niyang bagong landas. I’m glad na nalutas na ang sigalot nilang mag-asawa bago pa siya nagdesisyong tumakbo sa eleksyon.
* * *
Maganda naman yung ginagawang pagbibigay ng permiso ng ABS-CBN para makagawa ng proyekto sa TV 5 ang ilan nilang mga artista. Kung wala nga namang proyekto na available sa kanila, bakit hindi nila hayaang kumita ang mga ito sa iba?
Oo nga naman, sa paraang ito mapapanatili nila ang kasikatan ng kanilang mga talento. Kesa naman malaos ang mga ito ng wala sa panahon, since marami naman silang talents at hindi naman lahat ay mabibigyan nila ng proyekto parati.
* * *
Binabati ko sina Jan Nieto, Gian Magdangal, at Harry Santos dahil nagsanib sila ng pera para magbukas ng isang restaurant. Sa ganitong paraan nga naman mapalalago ang mga kita nila. Ang restaurant na tinawag nilang POW ay matatagpuan sa Greenhills.
Maganda rin yung ginagawa nilang paglalagi sa POW dahil nakakatawag sila ng pansin, mas dumarami ang pumapasok para kumain. Nagsisilbi rin sila sa mga diners kaya kayo ba, hindi kakain sa isang kainan na kasing guwapo at kilala nilang tatlo ang nagsisilbi?
- Latest