^

PSN Showbiz

Paula Taylor walang kaartehan sa katawan

-

MANILA, Philippines - Ang bagong screen partnership nina Vic Sotto at Paula Taylor ay kasalukuyang kinaaaliwan ngayon sa kanilang pelikulang Love on Line na showing na sa mga sinehan sa buong bansa.

Masaya at satisfied naman si Vic sa natagpuang bagong ka-loveteam na half-British at half-Thai pero sa Australia lumaki.

“She is to work with. Hindi siya maarte. Koboy nga eh,” sabi ni Vic kay Paula.

Si Paula ay nakilala bilang veejay, aktres at modelo na nakalibot na ng maraming parte sa mundo. Kaya natutuwa sa kanya ang mga kasama niya sa pagiging humble nito at walang kiyeme sa pagkain. 

Sa pelikula, gumaganap din siyang foreigner, si Lily, na hindi maarte. Nakilala niya sa chat ang isang lalaki, si Tot, na ginagampanan ni Jose Manalo. Ang problema, hindi mukha ni Tot ang nakita niya sa litrato kundi ang sa kapatid na si Samson, ginagampanan ni Bossing Vic. 

Siyempre, riot na pagdating sa “eyeball” time, ang pagkikita nina Lily at Samson na nagpanggap nang si Tot. Kung paano magkakabukingan at kung magkaka-inlaban ba talaga, iyan ang dapat abangan sa Love on Line. 

BOSSING VIC

JOSE MANALO

KAYA

KOBOY

MASAYA

NAKILALA

PAULA

PAULA TAYLOR

SI PAULA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with