^

PSN Showbiz

Marian payag magkaanak kay Dingdong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bumaha kahapon nang madaling-araw sa Metro Manila dahil sa malakas na buhos ng ulan.

May ilog daw na umapaw kaya nang magising ang mga tao, lalo na ang mga nakatira sa Maynila, hanggang tuhod ang tubig baha sa kanilang lugar.

Hindi inabot ng malakas na ulan ang birthday show ni Dingdong Dantes sa Studio 7 ng GMA 7 noong Biyernes or else, mahihirapan na umuwi ang kanyang mga bisita.

Dantes Peak ang title ng birthday special ni Dingdong at mapapanood ito sa susunod na Linggo sa Kapuso network.

Naloka ang mga bisita sa birthday special ni Dingdong dahil sa eksena na ginawa nila ni Marian Rivera. Watch n’yo ang Dantes Peak para makita ninyo ang eksena ng dalawa na ikinakilig ng audience.

* * *

Dog lover pala si Nonito Donaire na feeling guilty dahil nangayayat ang kanyang pet dog nang pumunta siya sa Amerika para sa laban nila ni Rafael Concepcion.

Naka-relate ako kay Donaire dahil pareho kaming mahilig sa aso. Masuwerte ang magiging anak ni Donaire at ng kanyang misis na si Rachel dahil siguradong magiging mabuti siyang ama.

Likas ang kabaitan ni Donaire at na-feel ko ang kanyang sincerity nang mag-guest siya kahapon sa Startalk.

Nagpunta rin si Donaire sa misa ng 26th death anniversary ni Senator Ninoy Aquino noong Biyernes. Ibinigay niya sa Aquino family ang robe at shorts na ginamit niya sa laban nila ni Concepcion.

Inialay ni Nonito ang kanyang laban kay President Cory Aquino at nag-win siya. Tuwang-tuwa ang Aquino family sa tagumpay ni Nonito. Nagpasalamat sila sa Filipino boxing champion dahil sa tribute nito kay Mama Cory.

Malalaking letra ng Aquino ang nakalagay sa yellow shorts na ginamit ni Donaire sa sagupaan nila ng madayang boxer mula sa Panama.

* * *

Imposibleng hindi nami-miss ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado. Isang taon na ang bagets at never pa itong nakikita ni Patrick mula nang isilang.

Matagal nang gustong madalaw ni Patrick si Alex Jazz pero hindi open sa idea si Jennylyn na makita niya ang kanilang anak.

May kasabihan na ginagamot ng panahon ang mga sugat. Darating at darating ang araw na magkakasundo rin sina Jennylyn at Patrick.

* * *

Hindi napilit ng mga reporter sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sabihin ang mga birthday gift nila sa isa’t isa.

Pareho nga sila ng sagot. Naglaan sila ng oras para magkasama sila sa importanteng araw ng kanilang mga buhay.

Totoo ang sinabi ko kahapon sa Startalk na tanggap na tanggap si Marian ng pamilya ni Dingdong kaya hindi malayo na sila ang magkatuluyan.

* * *

Naloka ang fans sa sinabi ni Marian na solong anak lamang siya at kung magkakaroon siya ng anak kay Dingdong, bakit hindi?

May hula kay Marian na mabubuntis siya bago dumating ang 2010 kaya abangan na lang natin kung magkakatotoo ang prediction.

vuukle comment

ALEX JAZZ

AQUINO

BIYERNES

CORY AQUINO

DANTES PEAK

DINGDONG DANTES

DONAIRE

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with