^

PSN Showbiz

Manny lumalabas ang pagiging natural na komikero

RATED A - Aster Amoyo -

Naging instant Christmas in August ang naging atmosphere sa press launch ng Show Me Da Manny na pinagbibidahan nina People’s Champ Manny Pacquiao at Darna star na si Marian Rivera na ginanap sa Jimmy’s along Timog Avenue in Quezon City nung nakaraang Martes ng gabi. Hindi pa man nagsisimula ang presscon ay na-announce na ni Manny na magpapa-raffle siya ng P200,000 bagay na ikinatuwa ng mga dumalong entertainment press. 

Nang magsimula ang raffle draw, nagdagdag pa si Manny ng panibagong P100,000 para walang umuwing luhaan ng gabing ‘yon.

Ang Show Me Da Manny ay kauna-unahang sitcom nina Manny at Marian at ito ang makakapalit sa Sunday sitcom nina Vic Sotto at Pia Guanio na Ful Haus

Sa direksiyon ni Uro de la Cruz, excited pareho sina Manny at Marian sa kanilang unang tambalan ganundin naman ang ibang bumubuo ng cast na nagsasabing napakasaya nila parati sa set sa araw ng taping dahil likas na natural sa pagiging komikero si Pacman kahit wala ito sa harap ng camera.

Panay ang pag-abante ni Manny ng taping para sa Show Me Da Manny dahil nakatakda siyang umalis patungong Los Angeles, California sa isang buwan para sa dalawang buwang training para sa kanyang nalalapit na laban sa Puerto Rican boxer na si Miguel Cotto sa November 14 sa Las Vegas, Nevada.

Grabe ang schedule ni Manny. May gagawin din siyang pelikula sa ilalim ng Solar Films, shoots ng product endorsements at higit sa lahat, ang muli niyang pagpasok sa magulong mundo ng pulitika. Sa pagkakaalam namin, nakatakdang tumakbo sa pagka-kongresista sa lone district ng Saranggani Province ang mister ni Jinkee Pacquiao at ang kanyang makakalaban ang mister ng dating beauty queen-turned TV host na si Malu Maglutac na si Roy Chiongbian.

* * *

Sa aming recent visit sa Tokyo, Japan, nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala ang Japanese singing sensation na si Shinji “Shine” Harada na ipinakilala sa amin ng isang common friend.

Si Shinji ay naging musical sensation sa Japan nang i-release nung October 25, 1977 ang kanyang debut single na pinamagatang Teen Blues noong siya’y 18 years old. Magmula noon ay sunud-sunod na ang kanyang hit songs tulad ng Candy at Shadow Boxer na sa magkakasunod na buwan inilabas.

 Ang nasabing tatlong hit singles ay lahat pumasok nang sabay-sabay sa Oricon Chart ng Japan na never pang nangyari sa musical history ng nasabing bansa. Ang tatlong nabanggit na awitin ay nakapaloob sa kanyang debut album na pinamagatang Feel Happy na agad pumasok sa Number One Chart sa unang linggo pa lamang ng release nito noong 1978. 

Ito’y sinundan ng documentary film tungkol mismo kay Shinji na pinamagatang Our Song.

Mula 1977 ay nakagawa siya ng mahigit 70 hit singles at 21 hit albums hanggang 2007. Ang kanyang 30th anniversary album na pinamagatang Feel Happy din ay lumabas nung October 24, 2007. 

In a span of more than 30 years sa music industry ay napakarami na ring parangal ang natanggap ni Shinji na hindi lamang isang mahusay na mang-aawit kundi isa rin siya magaling na musician at composer. Iba’t ibang instrumento ang kaya niyang tugtugin at kasama na rito ang gitara at piano.

ANG SHOW ME DA MANNY

FEEL HAPPY

FUL HAUS

JINKEE PACQUIAO

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MALU MAGLUTAC

MANNY

SHINJI

SHOW ME DA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with