'Maging humble'
Isang intimate birthday dinner ang ibinigay ni Manay Ichu Maceda sa Vera-Perez Garden nung nakaraang Lunes (Aug. 10) ng gabi para sa August birthday celebrants na sina Mother Lily Monteverde, Manay Ethel Ramos, Nora Calderon at direk Boots Plata.
Ito’y dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan tulad nina Susan Roces at ang kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares, Tita Midz (Armida Siguion-Reyna), Pat-P Daza, Tintin Escudero (ang magandang maybahay ni Sen. Chiz Escudero), Dolor Guevarra, June Rufino, Shirley Kuan, Ronald Constantino, Ricky Lo, Betchay Nakpil, Aida Espiritu, Lawrence Tan, Salve Asis, Ian Fariñas, at ang inyong lingkod.
Kapag si Manay Ichu ang magpaimbita, asahan sa pawang masasarap na pagkain (lutong-bahay) ang nakahanda at may I take-home pa ang mga bisita sa sobrang dami ng pagkain. Bukod sa masasarap na pagkain, busog din kami sa maiinit na kuwentuhan na may kinalaman sa latest happenings sa showbiz at pulitika.
And speaking of Manay Ichu, na-perfect na talaga nito ang pagiging mahusay na organizer at host ng mga intimate affairs para sa mga taong malalapit sa kanya. Mula sa lugar, choice of foods and invitees at maging sa flower arrangements na siya mismo ang nangangasiwa at nag-a-arrange. Kaya naman, very privileged ang aming pakiramdam sa tuwing kami ay naiimbitahan ni Manay Ichu sa kanilang ancestral place sa Valencia.
* * *
Nakakaaliw ang pelikulang Love on Line (LOL) na showing na ngayon sa mga sinehan.
Ang nasabing pelikula ay unang tambalan nina Vic Sotto at Thai-British model-turned actress na si Paula Taylor at dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films, M-Zet TV Production at APT Entertainment.
* * *
Ngayon pa lamang ay super excited na ang ating mga kababayan sa Japan sa pagdating doon ng Darna star na si Marian Rivera kasama ang kanyang leading man na si Mark Anthony Fernandez at ito’y mangyayari isa sa mga araw na ito.
Since two years ago ay gusto nang dalhin si Marian ng Access TV, ang broadcast career sa Japan ng GMA Pinoy TV pero hindi ito nangyari dahil sa very tight schedule ng kasintahan ni Dingdong Dantes. Pero dahil sa magandang ratings na ipinapakita ngayon ng Darna, malamang na maglibot si Marian sa lahat ng GMA Pinoy TV sa buong mundo na kanyang sisimulan sa Japan.
First time ring makakarating ng Japan sina Marian at Mark Anthony kaya pareho silang excited sa kanilang napipintong pagbisita sa bansang Hapon para pasayahin ang ating mga kababayan doon.
* * *
Maging humbling experience sana para sa host ng Wowowee na si Willie Revillame ang nangyari sa kanya kung saan ang mga manonood na mismo ng programa ang gustong magpaalis sa kanya. Maraming magagandang blessings ang patuloy na dumarating kay Willie sa kabila ng ilan ding matitinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
Sa mga hindi nakakakilala kay Willie, maya- bang ang kanyang dating.
Aware ang pamunuan ng ABS-CBN sa mga panawagan ng mga tao na tanggalin si Willie sa kanyang popular noontime show na Wowowee. Businesswise, nagpapasok ng revenue si Willie sa kaban ng Kapamilya network pero kung ang damdamin at sentimiyento naman ng sambayanang Pilipino ang pakikinggan, gusto ng mga ito na isakripisyo na ng Dos si Willie at kumuha na lamang sila ng ibang makakapalit sa programa.
Iisa lamang ang mensahe na gustong ipaabot ng lahat kay Willie, na manatili siyang humble sa lahat ng pagkakataon sa kabila ng kanyang tagumpay.
* * *
Personal naming ipinaabot kay Charo Santos-Concio, presidente ng ABS-CBN ang aming pagbati sa ginawa nilang coverage kay dating Pangulong Cory Aquino magmula sa burol hanggang sa funeral cortege mula sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila hanggang sa huling hantungan nito sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.
Malaking halaga (milyones) ang isinakripisyo ng Kapamilya network in terms of advertisements para lamang maihatid sa publiko ang buong kaganapan sa pagpanaw ng itinuturing na Saint of Democracy na si Pangulong Cory Aquino hanggang sa libing nito.
Mahal na mahal ng mga Lopezes ang yumaong ina ni Kris Aquino kaya malamang na maging sila man ay hindi nagustuhan ang inasal ni Willie sa programang Wowowee kung saan naka-inset ang funeral cortege kay Pangulong Cory.
Anuman ang kahinatnan ng usaping ito kay Willie, nakaabang ang publiko. Sa pagkakaalam namin, nag-voluntary leave sa programa ang host ng Wowowee at hindi pa malinaw kung kelan siya babalik sa programa.
* * *
Personal: Belated birthday greetings kina Dr. Jonathan Dizon ng St. Luke’s Medical Cen-ter nung Aug. 11, kay Aga Muhlach (Aug. 12), kay Direk Boots Plata nung Aug. 17 at kay Mo-ther Lily Monteverde- Aug. 19. Birthday naman ngayong Aug. 20 nina Fernando Poe, Jr., (SLN) Yolly Samson-Ilacad (ng dating Cinderella) at Oskee Salazar (SLN).
* * *
- Latest