^

PSN Showbiz

Luis at Angel two weeks nang hiwalay

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Walang nakapilit kay Mother Lily Monteverde na mag-party para sa kanyang 70th birthday kahapon.

Pero hindi siya nakaligtas sa ilang kaibigan na nagplano ng isang surprise lunch for her sa isang restaurant sa Morato.

Walang idea si Mother sa nasabing birthday lunch na idea nina Tita June Torrejon at Tita Ethel Ramos.

Si Tito Ricky Lo ang kasabwat. Kunyari, silang tatlo lang nina Tito Ronald Constatino na ang magla-lunch.

Kaya gulat ang Regal produ na ang daming balloons sa may bungad pa lang ng restaurant.

At pagpasok niya, sinalubong na siya ng birthday song habang may dalang cake si Tita June.

“Parang naiiyak ako,” say ni Mother Lily sa ‘di niya inaasahang lunch para sa kanyang birthday.

Pinili niya sanang manahimik na lang kahapon.

Pinaka-ultimate wish ni Mother sa kanyang birthday ang kumita ang pelikula nina Marian Rivera at Dennis Trillo, ang Tarot, ang latest offering ng Regal Films.

Dumating sa nasabing surprise birthday treat sina Ms. Virgie Ramos, Shirley Kuan, Tita Dolor and Direk Boots Plata, Tita Annabelle Rama, Tita Lolit Solis, Ms. Roselle Monteverde-Theo (anak ni Mother Lily), Manay Ichu Maceda na nag-provide ng flowers, Tita Aida Panggilan, Tita Malou Choa-Fagar (na maagang umalis dahil may Eat Bulaga pa siya) and this writer.

Isang bonggang Swatch watch ang gift ni Tita Virgie na na-excite si Mother suotin. Medyo maluwag nga lang ang bracelet kaya pinaputulan right away ni tita Virgie.

* * *

Speaking of tita Virgie, malaki pala ang utang sa kanya ng talent manager na si Jacob Fernandez. Minsan nang nakulong si Jacob dahil sa umano’y utang.

Over a million ang utang nito (Jacob) kay Tita Virgie.

Kaya naman nang marinig niya ang pangalan nito, nag-react agad ang may-ari ng mga Swatch stores sa bansa.

Naka-demanda ngayon si Jacob ayon kay Tita Virgie. May mga pagkakataon daw na nakikita niya ang manager ni Faith Cuneta pero parating magkasalubong sila sa elevator sa Shangri-la Makati. Ang siste, wala itong effort na kausapin siya. Ipinauubaya na lang daw niya sa korte ang utang nito.

Pinasisingil nga nito (VR) ang nasabing utang kay ‘Nay Lolit. Willing siyang ibigay lahat ng dokumento. Ang deal : hati sila sa masisingil na halaga.

Ok sana kay ‘Nay Lolit, pero ang sabi ni Tita Annabelle, sadsad as in wala raw kapera-pera ngayon ang nasabing talent manager. Nabaon daw ito sa utang dahil sa kanyang alagang si Faith.

Ayon sa nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, nakausap niya si Jacob the other night at sinabi na natutuwa siya (Fernandez) sa ginawang pang-gigiyera nito (Annabelle) sa GMA 7 executive na si Ms. Wilma Galvante dahil may masama itong karanasan nang ialok niya sa GMA ang alagang singer (Faith).

“Dalawa na kami na pareho ang reklamo. Isa na lang ang kailangan namin.

“Meron pa akong pasasabugin. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon,” sabi ni Tita Annabelle na ang kampanya ay ang mag-resign si Ms. Wilma Galvante sa GMA 7.

Siguradong iinit pa ang kuwentong ito ngayong may bagong kakampi si Tita Annabelle.

* * *

Almost two weeks na palang hiwalay sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Ayon sa source, wala raw gustong magsalita sa dating mag-syota.

May sinabing rason ang isang source sa kanilang hiwalayan. Pero parang ang hirap paniwalaan. Really. So unbelievable. Hindi ako naniniwala.

Kung sabagay, sooner or later, lalabas din ang totoo. Wait na lang tayo hanggang maging ready sila na pag-usapan ang paghihiwalay nila na ikina-shock ng marami.

Teka, hindi naman siguro nagselos si Angel kay John Lloyd Cruz sa kissing scene with Luis sa kanilang pelikulang In My Life kaya sila nag-split. Hahaha.

OA naman pag ganun.

* * *

Dumating na pala kahapon ang mga contact lenses na gagamitin para sa pelikulang Patient X, ang bagong pelikula ni Richard Gutierrez kung saan isa rin siya sa mga producer kasama ang GMA at Viva Films.

Yup, nag-order pa sila sa Amerika ng contact lenses na mamahalin para maging believable ang character.

Ibinibigay nilang lahat ang kailangan sa Patient X ayon kay Tita Annabelle para mas maging bonggang-bongga ang pelikula na nakatakdang ipalabas sa October.

Kahapon, second day nila ng shooting. Kinunan si Miriam Quiambao na head nurse ang role sa pelikula.

Seryoso na si Miriam sa kanyang acting career na alaga rin ni AR.

Mukhang exciting ang Patient X dahil si Yam Laranas ang nagdidirek ng pelikula na may kara­nasan sa pagdidirek sa Hollywood.

MOTHER LILY

NAY LOLIT

NIYA

PATIENT X

PERO

RICHARD GUTIERREZ

TITA

TITA ANNABELLE

TITA VIRGIE

WILMA GALVANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with