^

PSN Showbiz

Janno at Jaya binigyan ng award

-

MANILA, Philippines - Binigyang parangal ang kinikilalang King and Queen of Soul ng Philippine music na sina Janno Gibbs at Jaya para sa mataas na benta ng kani-kanilang album, ang Orig at Cool Change, na parehong ni-release ng GMA Records.

Ang Orig ni Janno, isang 11-track album na naglalaman ng pawang mga orihinal na piyesa, ang nangunguna sa best-selling list ng mga digital album ng Wellcom. At bilang pagkilala ay binigyan ito ng Special Digital Sales Award. Ilan lamang ang Igiling, Haven’t Stopped Loving You, pati na ang TV theme songs ng Codename: Asero at Gagambino sa nilalaman ng CD na ito.

Samantala, nadagdagan ng isang Gold Record award si Jaya para naman sa mataas na sales ng kaniyang album na Cool Change. Ito ay naglalaman ng mga hit songs na Is It Over, Just Once at Through The Fire. Malapit na rin itong sundan ng isa pang album ng Queen of Soul ngayong Agosto sa pamamagitan ng Real.Love.Stories – isang 14-track all-revival album na may carrier single na All My Life.

Ang Real.Love.Stories ay mabibili sa CD at digital format simula August 23, habang ang Orig naman ay mabibili pa rin sa CD sa iba’t ibang SM Record Bars at Odyssey outlets, at sa 2GB SD cards naman sa Wellcom, Laptopzone, MP3 King at MP3 Express stores sa buong bansa.

Ang Orig, Cool Change at Real.Love.Stories ay mula sa GMA Records.

vuukle comment

ALL MY LIFE

ANG ORIG

ANG REAL

COOL CHANGE

GOLD RECORD

IS IT OVER

JANNO GIBBS

JAYA

JUST ONCE

KING AND QUEEN OF SOUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with