^

PSN Showbiz

Taping ni Manny walang palya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Happy birthday muna kay Mother Lily Monte­verde!

Imagine, 70 years old na pala si Mother pero hindi siya mukhang sitenta anyos. Kasi naman, mahilig mag-exercise si Mother. Kung hindi siya naglalakad sa paligid ng Greenhills Shopping Center, panay ang kanyang stretching at kapag nasa abroad naman si Mother, walk siya nang walk sa malalawak na mall.

Napakalaki ng utang na loob ko kay Mother Lily. Siya ang dahilan kaya nagkaroon ako ng passport dahil siya ang unang-una na nagdala sa akin sa Hong Kong.

Napaka-generous ni Mother. Wala pa akong nilambing sa kanya na hindi niya pinagbigyan.

‘Yun nga lang, naloka ako sa unang biyahe ko sa Hong Kong dahil balikan kami. Biglang nagyaya si Mother na bumalik sa Pilipinas dahil meron siyang personal problem.

Wala kaming choice kundi sumama kay Mother dahil siya ang nag-treat sa amin. Saan ako pupunta kung hindi siya kasama?

Ipinamalita pa naman noon ng nanay ko sa mga kapit-bahay namin sa Sampaloc na pupunta ako sa Hong Kong.

Sino ang maniniwala na nagbiyahe ako sa Hong Kong kung balikan ang biyahe namin? Kaya ang ginawa ko, sinabi ko na lang sa madir ko na hindi kami natuloy sa Hong Kong at sa Subic kami pumunta nina Mother. May pasalubong ako na mga chocolate na binili ko sa Hong Kong pero ang pralala ko, binili ko sa Subic ang chocolates!

* * *

Hindi ang Hong Kong ang una at huling biyahe namin ni Mother dahil isinama niya ako sa Amerika nang mag-shooting dito ang pelikula nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion, ang Pepe En Pilar.

Marami akong unforgettable experiences, courtesy of Mother. Bagay na bagay sa kanya ang tawag na Mother Lily dahil talagang parang nanay siya sa lahat.

Madalas sabihin ni Mother na hihinto na siya sa pagpo-produce ng pelikula. Naniniwala ba ako? Hindi ‘noh! Mahal na mahal ni Mother ang movie industry.

Hindi na siya gumagawa ng pelikula para kumita ng limpak-limpak na salapi. Forever nang movie producer si Mother dahil love na love niya ang entertainment business.

Ang suwerte-suwerte nga ni Mother dahil holiday sa Quezon City kapag birthday niya. Kayo na ang maging ka-birthday ni President Manuel L. Quezon!

Happy birthday Mother. More projects at more datung ang mga birthday wish ko para sa’yo!

* * *

Kanya-kanyang hula ang mga sumusubaybay sa Survivor Philippines Palau tungkol sa malaking pasabog ng show ni Paolo Bediones.

Malakas ang kanilang duda na dating lalake ang isa sa mga female contestant ng Survivor Philippines Palau.

Walang confirmation o denial si Paolo at ang staff ng show. Abangan daw natin ang mga susunod na kabanata dahil mabubulgar din ang katotohanan.

Babaeng-babae ang katawan at mukha ng girls ng Survivor Philippines Palau. Mahihirapan ang mga manghuhula sa pagtukoy sa castaway na she-man. She-man daw o!

* * *

Kagabi ang presscon sa Jimmy’s Bar ng Show Me Da Manny, ang sitcom nina Manny Pacquiao, at Marian Rivera.

Mag-uumpisa pa lang sa TV ang Show Me Da Manny pero may balita na baka ma-extend ito dahil ganadung-ganado si Manny na mag-taping.

Walang palya ang taping ng cast dahil matagal na mawawala si Manny. Kailangan na niyang mag-training para sa laban niya sa November.

Pansamantalang kalilimutan ni Manny ang kanyang showbiz career kapag nag-umpisa na ang training niya.

vuukle comment

AKO

DAHIL

GABBY CONCEPCION

HONG KONG

MOTHER

MOTHER LILY

SHOW ME DA MANNY

SIYA

SURVIVOR PHILIPPINES PALAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with