^

PSN Showbiz

Kumpirmado, Luis at Angel hiwalay na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Breaking news...

Hiwalay na ang mag-syotang sina Luis Manzano at Angel Locsin, ayon sa isang super reliable source.

Wala pang masyadong detalye ang kuwento, pero confirmed na ang hiwalayan ng dalawa ayon sa source.

Walang nag-akala na sa hiwalayan matatapos ang relasyon ng dalawa dahil very vocal si Luis sa pagsasabing si Angel na ang nakikita niyang maka­kasama sa habang-buhay (wife-material) bagama’t sinabi niya noon na hindi fairy tale ang buhay.

Alam din ng lahat na gustung-gusto ni Governor Vilma Santos si Angel bilang daughter in law.

* * *

Pagkatapos talunin si Rafael “El Torito” Con­cepcion sa Pinoy Power 2 showdown na gina­nap sa Hard Rock Hotel and Casino sa Las Vegas, sa kantahan naman susubukang manalo ng Pinoy boxer, ang bagong WBA interim super flyweight champion na si Nonito Donaire Jr. at kilalang the Filipino flash.

Kahapon ay nag-taping na ang boxing champion para sa pagbabalik ng Celebrity Duets ng GMA 7 kung saan isa siya sa 12 na kasali.

Nagbigay pa nga ng sample na kanta si Nonito, at in fairness parang kaya niyang pataubin si JayR pagdating sa pagkanta ng R&B. Because of You ang binanatang kanta ng boksingero para sa kanyang asawang taekwondo expert pala, si Rachel Ann.

Misyon ni Nonito ang manalo sa Celebrity Duets. At kung papalarin, itutulong niya ang isang milyong premyo sa mga bata at sa simbahan ng kanyang tiyuhin. Kaya nga nangampanya agad siya : “i-text n’yo ako ha.”

Sweet music ang trip niya pero kaya raw niyang kumanta ng ibang genre.

Pero wala pa siyang napiling makaka-duet dahil parang takot sa asawa ang boksingero. Dinilatan agad siya nang mata kaya hindi na nakapagbanggit ng pangalan.

Pero super in love ito kay Rachel Ann dahil sinabi niyang kung sasabihin sa kanya ng asawa na taekwondo expert na tumigil na siya sa pagbo-boxing at kung nakikita nitong nahihirapan siya (Nonito), gagawin niya nang walang maririnig na salita mula sa kanya.

Katatapos lang nilang mag-celebrate ng first wedding anniversary kamakailan.

Kahapon sa ipinatawag na presscon ng GMA 7 para sa kanyang pagbabalik-bayan matapos ang laban noong Linggo, panay ang pasasalamat ni Nonito sa suporta at pagdarasal sa kanyang huling laban. Dumating siya ng bansa, kahapon ng umaga galing ng Los Angeles, California. Pero walang bonggang salubong.

Iniaalay din niya ang kanyang panalo sa namayapang dating presidente Cory Aquino.

Nagpapasalamat din siya kay Manny Pacquiao na hindi niya idini-deny na gusto niyang sundan ang yapak.

“Opo plano kong sundan ng yapak si Manny. Pag kasi nasa multi-division ang utak ko, hindi ako hihinto na mag-isip na dapat pa akong manalo,” sabi niya na kung hindi raw siguro kay Pacman, walang Pinoy power sa Amerika.

By the way, kahapon ay nagkita sila ni Manny dahil magkatabi lang ang studio kung saan sila pareho nagti-taping – si Manny for Show Me Da Manny, ang bagong comedy show ni Manny sa GMA 7 at si Nonito sa Celebrity Duets na namahinga lang ng konti pagdating galing Amerika at tumuloy na agad sa GMA 7.

Gusto niyang makalaban sa susunod ang Mexican boxer na si Fernando Montiel (may record na 39-2-1, 29 knockouts habang si Donaire ay 22-1 at 14 knockouts) dahil meron daw silang ‘unfinished business.’

Pero kinukuwento niya na marami siyang natutuhan sa kanyang huling laban.

Wala pala siyang napanood sa previous na laban ni Concepcion.

Mas mataas din ang timbang nang tinalo niyang boksingero pero pumayag pa rin siyang lumaban dahil handa siya at iniisip niya ang mga nagdasal at tumulong para sa nasabing laban.

vuukle comment

AMERIKA

ANGEL LOCSIN

BECAUSE OF YOU

CELEBRITY DUETS

CORY AQUINO

NIYA

NONITO

PERO

RACHEL ANN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with