Liezl naka-recover na!
Sino ba ang nagsabi na porke wala nang jukebox sa Pilipinas ay malalaos na rin ang mga tinaguriang jukebox queens ng bansa, most notably, Imelda Papin and Claire dela Fuente.
Wala na sa bansa si Imelda Papin, naka-base na sa US pero, dala-dala pa rin niya ang pangalan ng bansang pinagmulan sa lahat niyang tagumpay. At isang matagumpay na singer performer si Imelda sa dakong ‘yon ng mundo.
Katatapos lamang niya sa kanyang matagumpay na tatlong gabing konsiyerto sa Las Vegas kasama ang sikat ding international singer na si Melissa Manchester. At para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan, dadalhin ng producer ni Imelda ang nasabing konsiyerto dito sa Pilipinas para mapanood ng mga Pinoy sa buwan ng Setyembre. Mapapanood ito sa Araneta Coliseum at sa Waterfront sa Cebu. Abangan na lamang ang iba pang detalye.
Samantala, ang naka-base ritong si Claire dela Fuente ay matagumpay na nakagawa ng isang duet recording kasama ang sikat na si Michael Bolton. Ang duet nila ay included sa Christmas album ni Claire. Makakasama rin ito sa Christmas album ni Bolton na ilalabas sa maraming panig ng mundo bukod pa sa buong US.
O, di ba dapat natin palakpakan ang dalawa na kahit tapos na ang panahon nila ay wala pa ring pagkalaos ang talento at patuloy na nagbibigay ng dangal sa bansa. Sana lang, sa pag-uwi ni Imelda ay makagawa sila ng show ni Claire na siguradong dudumugin lalo’t isasama nila si Eva Eugenio.
* * *
Nakatutuwang malaman na okay na si Liezl Martinez. Nagkaroon din ng ilang panahon na inabot ng matinding kalungkutan ang buong pamilya dahil sa pagkakasakit nito.
Pero ngayong okay na ito ay nagagawa nang sagutin ni Albert Martinez at maging ng kanyang mga anak ang mga tanong tungkol sa madre de pamilya ng pamilya.
Very good. Sana magtuluy-tuloy na ang kanyang recovery.
- Latest