^

PSN Showbiz

Paolo at BB nagko-compare notes sa taping

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Na-meet ko sa Startalk noong Sabado ang 16 na castaways ng Survivor Philippines Palau.

Nag-guest sila sa show namin para i-promote ang kanilang programa na magsisimula mamaya.

Kasama nilang dumating sa Startalk studio ang Survivor Philippines host na si Paolo Bediones na tinawanan lang ang tanong ni Ricky Lo tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Abby Cruz.

Thirty-nine days na namalagi sa isang isla sa Palau ang 16 castaways. Matagal nang natapos ang kanilang taping kaya naka-recover na sila. Tumaba na uli ang mga nangayayat at lalong tumaba ang mga dati nang healthy.

Ipinagmamalaki ni Paolo na mas exciting ang Survivor Philippines Palau kesa Survivor Philippines Thailand. Na-correct daw nila ang mga mis­take na kanilang na-commit sa unang season ng Survivor Philippines.

* * *

Two years ang itinagal ng love affair nina Paolo at Abby. Hindi naka-survive ang kanilang relasyon nang magpunta si Paolo sa Palau.

Hiwalay man sila, friends pa rin sina Paolo at Abby. Nakilala ni Paolo si Abby nang sumali ito noon sa Bb. Pilipinas Contest.

Eh ganoon din ang eksena kaya nagkaroon ng relasyon sina Paolo at Tisha Silang. Naging girlfriend din ni Paolo si Tisha nang mag-join ito sa Bb. Pilipinas. Si Tisha ang nag-win noon ng Bb. Pilipinas-Universe title pero binawi ang kanyang korona dahil sa isyu ng residency.

Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Paolo at Tisha. Nagpakasal si Tisha pero hindi rin nagtagal. Ewan ko lang kung siya pa rin ang girlfriend ng dating Powerboys member na si Geoff Rodriguez dahil wala nang balita tungkol sa kanila pagkatapos nilang sumali sa Amazing Race Asia.

* * *

Napagmasdan ko sa malapitan ang mga kasali sa Survivor Philippines Palau. May mga karakter sila at sa unang kita ko sa kanila, alam ko na kung sino ang mga pasaway.

Hindi ako nakipagtsikahan sa mga castaway or else, siguradong itatanong ko sa kanila ang magiging winner sa reality show na sinalihan nila. Parang mahirap hulaan ngayon ang mananalo at mag-uuwi ng tatlong milyong piso na premyo.

* * *

Co-stars sa Rowena Joy episode ng SRO Sinemaserye sina BB Gandanghari at Paolo Ballesteros.

Pero hindi sila sumipot sa presscon ng SRO. Si Iza Calzado ang gumanap na Rowena Joy at siya lang ang nakipagkuwentuhan sa mga reporter.

Nanghinayang ang mga reporter sa no-show nina Paolo at BB. Marami silang gustong itanong sa dalawa na naging close sa taping ng Rowena Joy.

Maraming common denominator sina Paolo at BB. Nag-compare notes kaya sila habang nagpupuyat sa taping ng SRO Sinemaserye?

* * *

Marami ang nawindang sa guesting ni Annabelle Rama sa Startalk noong Sabado dahil hindi siya nagpaawat sa pagtalak tungkol sa kanyang demanda laban kay Wilma Galvante na dinismis ng korte.

In fairness sa Startalk, parehong inilahad sa aming show ang magkabilang panig. Kung live ang guesting ni Bisaya, may phone-patch interview ang Startalk kay Mama Wilma.

Naging parehas ang aming show na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan. Nagtatagal sa ere ang Startalk dahil hindi one-sided ang aming programa.

vuukle comment

ABBY CRUZ

AMAZING RACE ASIA

PAOLO

ROWENA JOY

STARTALK

SURVIVOR PHILIPPINES

SURVIVOR PHILIPPINES PALAU

TISHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with