Young actress na late, nakatikim kay Direk
Nakatikim ng sermon at talak ang isang young actress mula sa director ng ginagawang pelikula nang dumating ng four hours late sa first day shooting ng isang indie flick. Hindi na hinayaan ng director na makapag-explain ang young actress kung bakit ganu’n katagal siyang na-late dahil lumalapit pa lang, tinalakan na siya ni direk.
Ipinamukha ng director na walang karapatang ma-late at magpahintay sa kanyang co-stars ang young actress dahil hindi pa siya sikat. Iyakin ang young actress at tiyak na naiyak ito sa ipinamukha sa kanya ni direk.
Sabi raw ng director, kailangang talakan din niya ang young actress dahil ayaw niyang isipin ng isang older actress na natarayan din niya with the same offense na may pinapaboran siya at ayaw niyang ireklamo siya sa kanilang producer.
* * *
Sina Iza Calzado, headwriter Jun Lana, at direk Soxie Topacio lang ang humarap sa press sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Rowena Joy na mapapanood sa GMA-7, simula August 20, after Cruel Love.
Hindi nakarating si TJ Trinidad na kapareha ni Iza dahil nagsu-shooting ng Patient X at si BB Gandanghari naman na may important role ay ayaw um-attend ng presscon. Tumanggi rin itong mag-promote ng show sa Sis.
Kasama sa istoryang tumatalakay sa pagtanggap sa sexuality sina Paolo Ballesteros, Rez Cortez, John Apacible, Shamaine Centinera, Renz Verano, Prince Stefan, John Prats, at iba pa.
Sa tanong kung ano ang challenge ng kanyang role na dating bading na nagpa-opera para maging ganap na babae, sabi ni Iza, “mabuti na lang at araw-araw akong napapaligiran ng mga bading, tinuturuan nila ako ng lenggwahe at mannerisms ng mga bading. Lagi akong nagtatanong kung convincing ang acting ko.”
* * *
Nasa presscon ng Survivor 2 Philippines si Kiko Rustia na castaway sa Survivor 1 at akala namin, nakikiusyoso lang. ‘Yun pala’y may ibang rason at hinihintay niya si Mika Batchelor, isa sa mga castaways dahil magdi-dinner sila after the presscon.
Matagal na raw niyang kilala si Mika na gaya niya ay chef din, pero ‘di niya alam na sasali sa Survivor Philippines 2. Friend din niya si Jef Gaitan na nakilala niya sa Boracay, pero obvious na mas interesado si Kiko kay Mika.
Samantala, bukas ang grand premiere ng SP 2 at isang oras mapapanood.
Nakakaiyak ang eksenang paalaman ng castaways sa kanilang pamilya at pati staff ay napaiyak.
One hour din ang tribal council every Friday at inaabangan na kung sino sa grupo ang unang maaalis.
* * *
Nagkaroon ng benefit show para kay Ruby Rose Jimenez kagabi sa 19 East Bar sa pangunguna ni Ara Mina na isa sa mga sumusuporta sa pamilya ni Rochelle Barrameda na naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Ruby Rose.
Si Ara rin ang nagpakilala kay Rochelle kay DILG Sec. Ronnie Puno na tumutulong sa pamilya Barrameda.
Nasa DOJ na ang kaso for resolution at inamin ng mag-asawang Barrameda na makakabawas sa sakit nila ‘pag nadala na sa Korte ang kaso.
Birthday ni Ruby Rose noong August 13, at humarap sa press sina Rochelle at ang kanyang mga magulang para magbigay ng update sa kaso.
Sa March 14, 2010, isisilang ni Rochelle ang third child nila ni Jimwell Stevens na death anniversary ni Ruby Rose. What a coincidence!
* * *
Sa second Sunday ng Karibal episode ng Dear Friend, madalas pag-awayan nina Cheska (Jennylyn Mercado) at Darrell (Wendell Ramos) ang pagkaselosa ng dalaga at umabot ‘yun sa pakikipag-break ng dalaga sa binata sa pag-aakalang hahabulin siya nito.
- Latest