Dyan Castillejo lumipad ng Bahamas para sa Miss Universe
MANILA, Philippines - Tumulak na papuntang Bahamas si Dyan Castillejo kamakalawa para maghatid ng balita sa inaabangang Miss Universe 2009 pageant.
Ito ang ikalawang beses ni Dyan na mag-cover ng naturang kumpetisyon at para sa kanya, wala itong pinagkaiba sa mga sports events na kanyang inuulat dahil ang mga kandidata ay kapwa palaban at kasing-determinado ng kahit sinumang atleta.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan at pagsubaybay ni Dyan sa pambato ng Pilipinas na si Pamela Bianca Manalo at ihahatid niya ang pinakasariwang ulat sa magaganap na patimpalak sa pamamagitan ng Umagang Kay Ganda, TV Patrol World, Bandila and ANC.
Ipapalabas live sa ABS-CBN ang Miss Universe 2009 sa August 24 (Monday) sa ganap na 9:30 ng umaga na may primetime telecast sa parehong araw sa Velvet (SkyCable channel 53) ng 8:00 PM.
Muli itong tunghayan sa August 25 (Tues), 8:00 PM, sa Studio 23 at sa August 30 (Sunday), 10 PM sa ABS-CBN.
* * *
Honored ang Film Development Council of the Philippines na pinangungunahan ni Mr. Jackie Atienza sa pagdating ng VIP French sa Maynila kamakailan.
Sila ay sina Aude Hesbert, Festival Director of Paris Cinema and Jeremy Segay, Festival Consultant and Program Adviser of Paris Cinema and Festival Programmer for the Cannes Film Festival na dumating sa Maynila para dumalo sa Cinemalaya Cinco Philippine Independent Film Festival 2009.
Inimbita ng FDCP ang mga opisyales ng Paris Cinema para pasalamatan matapos nilang piliin ang bansa bilang Country of Honor sa matagumpay na Paris Cinema kung saan ipinalabas ang 42 Tagalog films ang ipinakita.
Si Ms. Hesbert ay miyembro rin ng Cinemalaya Feature Film Competition.
- Latest