Kita ng And I Love You So nabawasan
Kino-consider na raw ng isang aktres na tumanggap ng project sa ibang movie company para kumita.
Matagal-tagal na kasing tengga sa trabaho ang nasabing aktres kaya finally ay ready na siyang makipag-trabaho outside her mother studio.
Kuwento ng source, naiinip na ang aktres sa paghihintay kaya nag-i-entertain na ito ng ibang offer.
Kahit sa TV, wala itong trabaho kaya nai-imbyerna na raw.
Matagal-tagal na ring jobless ang aktres matapos mabalitang nagkaroon ito ng problema sa mga katrabaho sa kanyang huling teleserye.
“Kailangan nga naman niyang magtrabaho. Marami silang kailangang gastusan,” sabi ng source.
***
Malakas naman daw ang pelikula nina Sam Milby at Bea Alonzo, ang And I Love You So, kahit hindi ito naipalabas sa mga SM supermalls.
Hindi naipalabas ang nasabing pelikula ng Star Cinema sa SM theaters dahil sa Ayala-owned mall na TriNoma ginanap ang premiere night nito.
Ang competition pala ng mga Ayala-owned malls — Greenbelt, Glorietta, Alabang Town Center, Market! Market!, at TriNoma — at SM malls ay parang network war ng ABS-CBN and GMA 7.
Ganito rin ang nangyari sa pelikulang Oh My Girl (OMG) starring Judy Ann Santos and Ogie Alcasid. Sa TriNoma sila nag-premiere night dahil wala raw babayaran ang production.
Kaso nabalitaan agad ng Regal Films ang decision ng SM kaya kinausap daw agad ni Ms. Roselle Monteverde-Teo ang management ng SM para i-reconsider ang desisyon nila.
Na-negotiate naman daw ng Regal Films kaya naipalabas pa rin ang nasabing pelikula nina Juday at Ogie.
Pero ang And I Love You So, na-anticipate na raw ng Star Cinema ang magiging problema kaya expected na rin nila ang mga mangyayari.
Kaya lang sayang din. Imagine siguradong mas malaki ang kinita ng And I Love You So kung naipalabas ito sa mga higanteng sinehan ng SM.
***
Namatay pala kahapon ang nanay ng TV host-model na si Phoemela Barranda sa edad na 67 years old dahil sa atake sa puso. Naiulat na na-stroke muna ang ina na si Proserfina P. Misa bago nauwi sa comatose na tumagal ng isang linggo sa Asian Hospital.
Nag-iisang anak daw si Phoemela kaya grabe ang iyak nito. Maraming magandang kwento sa mag-ina ang narinig ko. Isa na rito ang panliligaw ng isang super yaman na foreigner na komedyante pero 16 pa lang daw noon ang TV host kaya kontra ang ina dahil gusto nito ay makatapos ng pag-aaral ang anak sa De La Salle University.
- Latest