^

PSN Showbiz

Angelica inuna si Lady Gaga kesa sa movie ni Derek

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Marami ang naghanap kay Angelica Panganiban sa premiere night ng pelikulang And I Love You So dahil may ginagampanang major role ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay.

Dahil sa kahalagahan ng pelikula kay Derek kung kaya nanood ang kanyang mga magulang ng hindi nila dating ginagawa.

Bagama’t proud ang mga ito sa trabaho ng kanilang anak, kay Derek mismo nanggaling na hindi naintindihan ng kanyang ama ang istorya dahil hindi ito marunong ng Tagalog.

Pero wala naman palang dapat ipagdamdam ang aktor sa kanyang nobya na nanood ng concert ni Lady Gaga.

Masasayang ang tiket kung hindi nito gagamitin, mahal ang halaga nun. Si Derek mismo ang nag-suggest na unahin na lamang niya ang concert at sa regular run na lamang panoorin ang And I Love You So.

***

Bakit kailangan pang mag-church hunting nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez ng pagkakasalan nila? Bakit hindi na lamang yung simbahan na pinupuntahan nila para maging mas komportable sila?

Mas magiging romantic pa ito dahil dito sila nagsisimba na magkasama. Kesa naman yung pupuntahan lang nila for the first time dahil lamang malaki ito at makakapaglaman ng mas maraming tao.

Pero bakit ba ako nakikialam? Nagbibigay lamang ng suggestion at nagtataka kung bakit hindi pa sinunod yung kagustuhan ng groom-to-be na magtanan na lamang sila.

Mas romantic pa ito, ’di ba?

***

Mukhang nalilinya sa mayamang manliligaw si Claire dela Fuente. Bago si Imelda Papin ay siya muna ang niligawan ng mayamang boyfriend nito. Hindi nga lamang siya available dahil may asawa siya, buhay pa ang asawa niya noon. Kaya, kay Imelda niya ito inireto.    

Ito rin ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang marriage proposal ng singer na si David Soul na naka-duet niya sa kanyang latest album sa Viva Records.

Tulad ng boyfriend ngayon ni Imelda, mayaman din si David pero hindi siya available nang mag-propose ito, just like the first time.

Hindi naman nanghihinayang si Claire dahil mahal na mahal siya ng kanyang namatay na asawa at hanggang ngayon naman ay buhay pa rin ang memory nito sa kanya.

Bakit kaya hindi niya inireto kay Eva Eugenio? Hindi ba available naman ang kaibigan niya?

ANGELICA PANGANIBAN

BAKIT

DAHIL

DAVID SOUL

DEREK

DEREK RAMSAY

EVA EUGENIO

I LOVE YOU SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with