Anjo nakisakay na sa hate campaign
Hindi lang sina Joey de Leon at Vic Sotto ang nakibuska sa pamamagitan ng “panggagaya” sa kabastusang inasal ni Willie Revillame sa alaala ni dating Pangulong Cory Aquino, nakisali na rin sa malawakang hate campaign ang kanilang Eat Bulaga dabarkads na si Anjo Yllana.
Opening spiels ’yon nina Anjo at Eugene Domingo sa Cool Center nitong late night Saturday, hyper ang komedyana sa pag-aanunsiyo kung ano ang dapat abangan sa kanilang live telecast, isa na rito ang birthday celebration ni Arf-Arf.
Ilang beses nang tinangka ni Anjo na i-cut si Uge halfway through her spiels, at nang makatiyempo, poker-faced na sey ni Anjo na alin daw ba mas mahalaga: Tao o hayop? Kung si Arf-Arf daw ang ipi-feature, ito na lang; obviously, brickbat iyon laban kay Willie.
’Di pa nagkasya si Anjo, nag-walk out ito only to stage his reentry sabay hingi ng paumanhin. “Ah, eh, ma’am Charo (Santos-Concio, ABS-CBN’s president, sorry po… este, ma’am Wilma (Galvante, GMA’s SVP for entertainment TV) pala!” sabay naghagalpakan ng tawa ang studio audience.
The war against Willie is on. With bated breath, inaabangan ng bayan ang pagkakasibak sa bastos na TV host na ito ng istasyong pinagkukunan niya ng lalamunin. Sorry po if I sound bastos, too. Kabastusan begets kabastusan.
* * *
Nagsimula nang husgahan ng publiko kung kakagatin si Bea Alonzo, this time minus John Lloyd Cruz, in Star Cinema’s And I Love You So.
Masasabing experimental ang comeback project ni direk Laurenti Dyogi, na marami na palang offers ang tinanggihan only because he felt he was not prepared yet. But it had to take an inspiring script by two lady writers who veered away from the usual, trite creative attack. Dito na raw napa-oo si direk Laurenti who believed it was time.
Karaniwan nang kapaniwalaan na higit daw napupulsuhan ng mga babaeng direktor ang mga kuwento tungkol sa pag-ibig, lalo’t ang central character was quick to defend the cool director. Iba rin daw kasi ang POV (point of view) ng lalaking filmmaker.
In And I Love You So, gaganap na leading men ni Bea sina Sam Milby at Derek Ramsay.
If history repeats itself, so do loveteams.
- Latest