^

PSN Showbiz

Melanie seryosong maging abogado

- Veronica R. Samio -

Sa kanyang bagong titulo, maituturing nang isang music royalty o music icon at maituturing na isa sa pinakamahusay na singer-performer ng kanyang henerasyon ang 26 years old na si Aiza Seguerra.

Fresh from the success of her Open Arms album now cer­­tified platinum, isa pang album niya ang inilabas ng Star Re­cords, ang Aiza: Live na muling magpapamalas ng ver­satility and musicality na ang may kalibre lamang ay si Aiza.

Hindi naman binigo ng recording artist ang miyembro ng media na dumalo sa launching ng kanyang latest album na ginawa sa Mugen Bar ng Metrowalk nung Lunes ng gabi. Kinanta niya ng buong husay ang lahat ng mga awitin na kasama sa kanyang album. At kung hindi lamang marahil napansin ng lahat na talagang nakakapagod ang kanyang ginawa, baka hindi nila siya nilubayan.

Hindi lamang kumanta si Aiza, sinaliwan pa rin niya sa gita­­ra ang sarili niya. Ito ay sa kabila ng pangyayaring napa­kagagaling ding musikero ang sumaliw sa lahat niyang awitin.

Maganda ang tandem nila sa gitara ni Mike Villegas at walang itulak kabigin sa mga nag-akumpanya sa kanyang biyulinista, bahista, percussionist, at ang magaling na harmo­nica player na bumubuo sa tinawag niyang Pogi Band.

Bukod sa pagiging isang mahusay na singer-performer, lu­mabas din ang talento ni Aiza sa pag-compose. Kasali sa album ang komposisyon niyang Tanging Ikaw. Ang iba pang cuts sa album ay ang tatlong komposisyon ni Mike Villegas: Paglisan, Bilanggo at Isipin Mo Na Lang.

May dalawang komposisyon din si Ely Buendia na pinasikat ng dati niyang bandang Eraserheads, ang Magasin at Huling El Bimbo. Kasama rin ang revival ng mga awiting Run Away, Kiss From a Rose, Ipagpatawad Mo, Everytime, Crazy Little Thing Called Love, Iris, at ang Man in the Mirror na huling isinama sa listahan bilang parangal kay Michael Jackson na namatay habang ginagawa nila ang album.

Bukod sa 15 awitin na naka­paloob sa dalawang disc na ba­­hagi ng album, meron pa ring limang bonus video ng mga performances ni Aiza during the album’s recording sa Teatrino Mall.

Bonus din sa mga tagahanga ni Ray­mund Marasigan ang pagiging guest drummer sa dalawang Eraser­heads hits at ang Man in the Mirror.

Kilala ang Star Records sa pag­gawa ng mga magagandang album covers pero walang katulad itong kay Aiza na korteng gitara, isang musical instrument na associated sa kanya. Ang ganda! Idagdag mo pa na may personal dedication ito ni Aiza.

Kayo rin ay puwedeng magkaroon ng album na may pirma ni Aiza. Abangan n’yo lang ang kanyang bar and mall tours. Nasa Davao siya sa Agosto 14 at 15; SM North EDSA sa Aug. 22.

May inihahanda ring concert si Aiza para sa kanyang birthday sa September 17.

* * *

Talagang desidido si Melanie Marquez na makatapos ng abogasya. Nabanggit niya ito nung mag-cut siya ng ceremonial ribbon na pormal na nagbukas ng selebrasyon ng Disability Month sa imbitasyon ng STEAM Foundation, isang non-profit organization na unang pinamunuan ni Aga Muhlach bilang chair­­man at ngayon ay patuloy sa pangangalaga at pagsa­sanay sa mga hindi nakakarinig o bingi.

Hindi lamang may mga kapansanan ang inaabot ng advo­cacy ng dating Miss International kundi maging ang mga inmates ng Women’s Correctional Institute. At sa lahat niyang gawaing ito, todo-suporta sa kanya ang Psalmstre Enter­pri­ses, gumagawa ng mga produkto ng New Placenta na ini-endorso niya.

Kapipirma pa lamang ni Melanie ng panibagong tatlong taong kontrata sa kumpanya na pag-aari ng kaibigan niyang si Jim Acosta.

Kasalukuyang kumukuha ng abogasya si Melanie sa Arellano University.

AGA MUHLACH

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALBUM

ARELLANO UNIVERSITY

BUKOD

CORRECTIONAL INSTITUTE

MIKE VILLEGAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with