^

PSN Showbiz

Bangayang Willie Revillame at Joey de Leon mas umiinit

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kusang-loob pala ang pagbabakasyon ni Willie Revillame sa Wowowee dahil sa kontrobersiya ng pag-init ng ulo niya sa live feed coverage ng paglilipat sa labi ni Mama Cory Aquino sa Manila Cathedral noong nakaraang Lunes.

Affected daw si Willie ng mga pagbatikos sa kanya at sa petisyon na tsugihin siya sa Wowowee.

Ipinagtanggol na si Willie ng kanyang mga kaibigan pero marami pa rin ang nagagalit sa ginawa niya, itsurang tinanggap na ng mga Aquino ang kanyang apology.

* * *

Involved na involved ang madlang-people sa isyu na kinasasangkutan ni Willie. Super-react sila, pati na sa tula ni Papa Joey de Leon na na-publish kahapon sa Philippine Star.

Kanya-kanya sila ng opinyon. May kampi kay Papa Joey at may mga sumusuporta naman kay Willie.

Lalong naging mainit ang rivalry nina Papa Joey at Willie. Mas mainit pa kesa dati kaya nabale-wala na ang pagkakasundo nila noon sa isang event ng Philippine Star na kapwa nila dinaluhan.

* * *

Na-bore pala si Joshua Aquino sa loob ng coaster na sinakyan ng Aquino family noong ilibing si Mama Cory sa Manila Memorial Park.

Masisisi ba natin ang bagets kung nainip siya at nagyaya nang umuwi? Walong oras sila sa loob ng sasakyan at napakabata pa ni Josh para maintindihan niya ang mga nangyayari.

Ang mabagal na pag-usad ng kanilang sasakyan, ang libu-libong tao na sumalubong sa kanila sa kalsada at ang paglilibing na inabot ng gabi.

Kung ako nga na matanda na, naiinip sa dalawang oras na biyahe, sa eight-hour trip pa kaya na naranasan ni Joshua?

* * *

Nagpapasalamat si Senator Bong Revilla sa iba’t ibang grupo ng mga producer ng pelikula na nagbigay sa kanya ng parangal dahil pumasa na nga ang Amusement Tax Reduction Law.

Ito ang panawagan ni Bong sa film groups na nakasalamuha niya kamakailan:

“Government has contributed its share in this endeavor, so now you must act and show our patrons that our films are worthy every centavo. Tayo na ang dapat kumilos ngayon at ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga dekalidad na pelikula na hindi papahuli sa mga imported film pagdating sa kuwento at produksiyon.

“Muli na nating mahihikayat ang mga producer na gumawa ng magagandang pelikula, ang mga sinehan na gawing state-of-the art ang kanilang mga gamit at pasilidad at higit sa lahat, ang taumbayan na bumalik sa panonood ng mga pelikulang Pilipino.”

Sa ilalim ng RA 9640 ( Amusement Tax Reduction Law ), bumaba ng 10% mula sa 30 % ang amusement tax. Nakasaad sa republic act na puwedeng maningil ang local government units ng amusement tax sa mga operator ng sinehan, concert halls, carnaval circuses, boxing stadium at iba pang lugar ng aliwan nang hindi sosobra sa 10% ng gross receipts mula sa admission fees.

AMUSEMENT TAX REDUCTION LAW

AQUINO

JOSHUA AQUINO

MAMA CORY

MAMA CORY AQUINO

MANILA CATHEDRAL

MANILA MEMORIAL PARK

PAPA JOEY

PHILIPPINE STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with