Nanay ni Dennis dumaan sa matinding operasyon sa puso
Malaki ang pasasalamat ni Dennis Trillo na very successful ang open-heart surgery ng mommy niya sa Philippine Heart Center. Last Friday lang lumabas sa ospital ang ina ng actor at okay lang sa kanya kung mahal ang binayaran sa operasyon, ang importante, nabigyan ng panibagong buhay ang minamahal na ina.
Dahil nakalabas na ng ospital ang ina, mas makakapag-concentrate na sa kanyang trabaho si Dennis, pero hindi halata sa SOP at Adik sa ’Yo na pino-problema niya ang ina noong nasa ospital at hindi pa naooperahan.
Ang Tarot na lang ang problema ni Dennis dahil may one day shooting pa sila eh, August 26 na ang playdate nito. Ang sunud-sunod na pag-ulan ang rason kung bakit hindi pa tapos ang pelikula at ang schedule ng ibang cast.
Samantala, may stage play offer kay Dennis na masusing pinag-aaralan ni Popoy Caritativo, manager ng actor. Depende kung tatanggapin ng actor ang stage play sa next show niya sa GMA 7. Kung afternoon soap ang next soap niya, magagawa niya ang stage play, pero kung pang-primetime soap, mahihirapan siya sa kanyang schedule dahil gagawin niya ang Mano Po 6.
* * *
Tanggap na ng maganda at magaling na young actress na never niyang makakapareha ang equally popular and handsome young actor kahit nasa iisa silang network at kahit may project pang bumagay sa kanila.
Dahil ito sa hindi magandang nangyari sa kanila ng manager ng actor sa audition niya sa isang product endorsement na ang actor ang bida. Tinanong ng talent manager ang young actress kung sino ang manager at nagpakita ito ng interes na i-handle ang career niya.
Hindi pa sigurado ang actress na papasok sa showbiz at sinabi sa talent manager na ang tita na lang niya ang papapel na kanyang manager. Parang nasupladahan daw ang talent manager sa kanyang sagot, pero thankful siyang hindi nito hinarang nang siya ang mapiling makapareha ng actor sa TVC ng product endorsement.
Kaya lang, mula noon, hindi na siya binabati ng talent manager kahit nagkikita sila sa network at showbiz event. Nabalitaan din nitong ni-reject siya ng manager na makapareha sa isang soap na ginawa nito. Sayang dahil bagay din silang dalawa.
* * *
Kinongratuleyt ni Marian Rivera sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa una nilang pagtatambal sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven. Nag-wish din itong maging successful ang loveteam ng dalawa at sa tono ni Marian, wala siyang kaselos-selos sa bagong kapareha ng actor na nakatambal niya sa tatlong soap ng GMA 7.
Pinapasalamatan naman ni Dingdong ang fans niya na kahit sino ang ipareha sa kanya ay sinusuportahan at naiintindihan at ’di uso sa grupo ng kanyang fans ang magreklamo.
Samantala, bago ang regular airing ng Darna sa Monday, mapapanood muna ang primer ng series entitled Darna Mania.
* * *
Magsisimula na ang kuwento ng buhay nina Claire (Jean Garcia), Darell (Wendell Ramos) at Cheska (Jennylyn Mercado) sa Karibal episode ng Dear Friend this Sunday sa direksyon ni Andoy Ranay at mapapanood after SOP.
- Latest