Aktres ayaw pa ring umaming nagpa-lipo; Maja nakabili na ng bahay
Bakit kaya kailangang ilihim ng isang aktres na nagpatanggal siya ng taba sa katawan?
Minsan, may nagtanong sa kanya kung nagpa-lipo siya dahil sobrang gumanda ang katawan niya after na manganak. Pero deny to the highest level ang sagot ng aktres. Wala raw ginagalaw sa katawan niya.
Natural daw ang lahat kaya pumayat siya.
Natawa ang nagtanong dahil alam na niya from the start na nagpa-lipo ang actress dahil sa madaldal na rin niyang kaibigan.
Hindi na uso ang naglilihim ng pagpapa-lipo kaya hayaan na natin ang aktres.
Baka nag-iilusyon lang siya.
* * *
May sariling bahay na palang hinuhulugan si Maja Salvador. May apat na kuwarto ang nasabing bahay at dalawang maids quarter.
Brand new ang house pero ayaw niyang banggitin ang halaga.
Ang mommy raw niya ang namili sa nasabing bahay.
Hindi ‘yun ang original choice nila, pero nang makita ng mommy niya, nagbago ang plano nila.
Bukod sa bahay at lupang hinuhulugan niya, naglalakihan na rin ang alahas na suot ni Maja sa thank you presscon ng May Bukas Pa na hataw sa rating. “Hindi pa bayad ‘yan,” sabi ni Maja na tulad ng kanyang bahay ay hulugan din ang bayad niya.
Pero nabawasan pala ang pagkakakitaan niya dahil shelved na talaga ang Moonriver na solo drama sana niya. Ayos na raw siya sa May Bukas Pa lalo na nga’t tatagal ito ng hanggang January pa sa request ng televiewers at ilang taga-simbahan.
Samantala, base sa Taylor Nelson Sofres National, ang May Bukas Pa ang may hawak ng posisyon bilang nangungunang programa sa telebisyon.
Kaya walang duda ang tagumpay ng May Bukas Pa. Pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla bilang Santino, ang karakter na instrumento ni Bro sa paggawa ng milagro. At iba pang cast na sina Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maja Salvador, Rayver Cruz, Dominic Ochoa, Lito Pimentel, Desiree del Valle, Arlene Muhlach, Ogie Diaz, Jaime Fabregas, Ron Morales, David Chua, Victor Basa, Ruben Gonzaga, Badji Mortiz at Ms. Liza Lorena.
Sa loob ng anim na buwan, ‘di na mabilang ang mga naglalakihang artistang nagbigay-buhay sa iba’t ibang karakter. Ilan sa kanila ay sina Ms. Susan Roces, Lorna Tolentino, Claudine Barretto. AiAi delas Alas, Gabby Concepcion, Christopher de Leon, KC Concepcion, Toni Gonzaga, John Estrada, Anne Curtis, Cristine Reyes, Maricar Reyes, Gardo Versoza, Johnny Delgado, Robert Arevalo, Dante Rivero, Boots Anson-Roa at Vhong Navarro.
At bilang pasasalamat sa suporta ng manonood, isang mahalagang papel ang gagampanan ng Hari ng Komedya na si Dolphy. Sa mga darating na araw ay makikitawa at makikiiyak tayo sa katauhan na bibigyang-buhay ni Dolphy sa May Bukas Pa.
Napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng TV Patrol!
- Latest