Goma gumawa ng sariling survey
Ever since na mamatay si dating pangulong Cory Aquino, ginugol na ng lahat ng Pilipino ang araw na ito at sa mga sumunod pa sa pag-aalala sa kanya at sa kabutihang ginawa niya nung siya ay nabubuhay pa.
Pero pinaka-ispesyal kahapon dahil nasa bahay ang lahat, salamat at dineklara itong non-working holiday ni PGMA, lahat were able to do what they wanted para ipamalas ang paggalang at pagmamahal nila sa kanya.
Nanood sila ng TV, pumunta ng Manila Cathedral. ‘Yung mga hindi, nagkasya na lamang dumalaw sa kanyang bahay sa Times St. Dun sila nag-alay ng flowers, nagsindi ng kandila. Marami (libu-libo) ang nakipaglibing, may mga sumakay sa kanilang mga sasakyan, pero marami rin ang naglakad mula Intramuros hanggang Manila Memorial Park sa Parañaque.
It definitely was a day for Cory Aquino. Lahat gustong magpaalam sa kanya sa pamamaraang kaya nila pero anumang paraan ito, nakita ang pagmamahal nila sa dating pangulo at ang pakikiisa sa mga ipinaglaban niya.
Paalam at salamat Tita Cory. Wala akong alam na paraan para maipamalas ang aking pagmamahal at paggalang sa iyo. Dasal ko lamang ay hindi matapos sa pagkamatay mo ang ipinaglalaban mo. Sana ay magsimula ito ng panibagong pagsasama-sama ng mga Pilipino na akala ko ay nawala na at nakalimutan na sa pagtatapos ng Edsa 1. Hindi pala. Manatili sanang buhay ang iyong alaala at magsilbing inspirasyon naming lahat.
* * *
Matangi sa pagsasama-sama nina Pilita Corrales, Carmen Pateña, at Carmen Soriano sa isang konsiyerto nun, ikalawa lamang na pagsasama-sama ng mga babaeng singer-performer ang konsiyerto na pagsasamahan nina Jessa Zaragoza, Geneva Cruz, Roselle Nava at Rachel Alejandro na pinamagatang Ladies of the 90’s na magaganap sa Agosto 28 at 29 sa Skydome ng SM North Edsa.
* * *
Naging emosyonal ako sa ginawang pakikiramay ng mga anak ni dating pangulong Ferdinand at Imelda Marcos sa pamliya ni dating pangulong Cory Aquino.
Matagal ko nang hinihintay ang rekonsilasyon ng dalawang pamilya na ito kundi man ng kanilang mga magulang ay ang mga anak nila na walang malay pa nung magsimula ng rift between the two families dahilan sa pagkamatay ng padre de pamilya ng mga Aquino na si Ninoy.
Sana nga, hindi na binigyan ng kulay ang pagdating sa burol nina Bongbong at Imee Marcos dahil sabi nga nila, nakikiramay lamang sila. Nagsabi na ng kanyang pakikiramay ang kanilang ina na tinanggap ni Kris Aquino.
* * *
Nagpagawa pala ng sarili niyang survey si Richard Gomez para malaman kung tatakbo siya sa eleksyon sa 2010. Dito niya malalaman kung gusto siya ng tao o hindi.
Kailangan pa ba ng ganitong survey, Richard? Alam mo naman ang kinahinatnan ng una mong pagtakbo. Alam mong sinuportahan ka ng tao dahil alam nila ang kapasidad mo, ang ginagawa mong tulong laban sa ipinagbabawal na gamot. Kaya lang, siguro, it was not yet the time for you.
Di mo kailangan ng survey. Sa sarili mo lamang ay malalaman mo na kung sinsero ka sa iyong mithiin pero, kahit hindi ka naman manalo at maging pulitiko, magagawa mo pa rin ang mga sinimulan mo.
Tulad ni Cory, ang magandang gawain at layunin, lalo na ang kagandahan ng loob, ay maaring hindi malaman ng maraming tao, pero hindi ito maitatago sa panginoong Diyos. Don’t let surveys discourage you. Gawin mo ang inaakala mong dapat gawin.
- Latest