^

PSN Showbiz

Basil Valdez at Joey Albert 'di pewedeng ikumpara

-

MANILA, Philippines - Ang dalawang mang-aawit ng magkaibang dekada — sina Basil Valdez at Joey Albert — ay magpapamalas muli ng galing sa isang concert sa darating na Agosto 15 sa Skydome sa SM North EDSA.

Produced ng Viva Concerts & Events, tamang-tama ang titulo ng kanilang pagbabalik sa concert stage, ang Incomparable, dahil tunay na hindi maikukumpara ang talento ng dalawa sa mga local balladeers natin ngayon.

Si Basil ay sumikat noong ’70s sa mga kantang Nga­yon at Kailanman, Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan, Lift Up Your Hands, Kung Ako’y Iiwan Mo, Kahit Ika’y Panaginip Lang, at iba pa.

Si Joey naman na nakilala noong dekada 80 ay hindi malilimutan sa mga kantang Tell Me, Yakapin Mo Ako, Points of View, Iisa Pa Lamang, at I Remember the Boy.

Nagkaroon na ng ilang shows noong ’80s sina Basil at Joey at naging magkaibigan pa kahit lumipas na ang ilang taon. Kaya parehong naging masaya at excited ang dalawa nang malamang ipagpo-produce sila ng show ng Viva at sa modernong venue pa.

Ang mga tiket sa Incomparable ay mabibili sa lahat ng SM Ticketnet outlets (911-5555) at para sa mga katanungan ay tumawag sa Viva Concerts & Events (687-6181 locc. 627 or 620).

vuukle comment

BASIL VALDEZ

I REMEMBER THE BOY

IISA PA LAMANG

IIWAN MO

JOEY ALBERT

KAHIT IKA

KUNG AKO

LIFT UP YOUR HANDS

PANAGINIP LANG

VIVA CONCERTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with