^

PSN Showbiz

EB nakaka-limang presidente na

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Salamat Cory ang pamagat ng GMA funeral coverage kay dating Pangulong Cory Aquino; Salamat, President Cory naman ang sa ABS-CBN. Whether it is by sheer coincidence, talaga namang deserving of thanks ang dating pinuno ng bansa na binansagang Democracy Icon.

Kung ang iniwang pamosong linya ni dating Senator BenignoS. Aquino Jr. ay ‘‘The Filipino is worth dying for,’’ kung bawat Pinoy ang tatanungin ay ikinararangal niya ang kanyang lahi dahil kay Tita Cory.

Samantala, masasabing ‘‘freedom paper’’ ang precursor ng PSN na Ang Pilipino Ngayon (APN) noong ilunsad ito taong 1986. Ikinararangal ko rin na naging bahagi ako ng APN nu’ng mga panahong ’yon (assigned in police beat) na kaluluklok pa lang ni Tita Cory bilang ikalabing-isang Presidente ng bansa.

* * *

Idinaan ni Joey de Leon  sa patawa ang pagyao ni Tita Cory para na lang gumaan ang paligid sa Startalk nitong Sabado. Paano naman kasi, it was another ‘‘ngarag’’ episode reminiscent of our June 6, 2008 show, na nataong araw ng pagkamatay ni Rudy Fernandez.

Say ni Tito Joey during our backstage yosi break, ‘‘Hinintay lang yata ni Tita Cory na mag-30 years ang Eat Bulaga, eh.’’ Nagselebra ng ikatlumpu’t taon ang nangunguna pa ring noontime program nitong July 30.

Yes, tatlong dekada na ang EB that has seen five presidents (mula kay Marcos hanggang kay Arroyo). ‘‘Eh, ‘di ba, eleksyon na sa May 2010, baka anim na presidente na ang maabutan ng Eat Bulaga,’’ sabi ng TV host-comedian.

Tito Joey proudly tells he had pictures taken with all five leaders. Sa kaso ni Tita Cory, katabi raw niya ito sa mesa while dining at a function. He politely approached the then-President requesting for a picture-taking na magiliw naman nitong pinaunlakan.

* * *

During the early nineties, tandang-tanda ko ang kuwento ni Kris Aquino to her reporter-friends about her mom. Kung matatandaan, Kris earned the distinction of being called Massacre Queen via a string of box office hits produced by Golden Lion Films of Carlo J. Caparas and Donna Villa.

Pero at one point daw ay sinabihan si Kris ng ina na kung maaari’y gumawa naman ito ng pelikula for family entertainment. Gusto rin daw kasing mapanood ng mga apo ni Tita Cory ang movies ng kanilang tita. Hence, nagprodyus ang Golden Lion ng Tasya Fantasya.

* * *

FOOTNOTE : Sa makalawa na ihahatid sa Manila Memorial Park ang mga labi ni Tita Cory, kung saan nakahimlay din ang pinaslang niyang kabiyak na si Ninoy. Tumanggi ang limang anak ng dating Pangulo na bigyan ito ng state funeral sa dahilang nais pa rin nilang maging payak ang okasyong ’yon like their mom would have so wanted. Muli, ang aming pakikiramay sa pamilya Aquino.

ANG PILIPINO NGAYON

AQUINO JR.

CARLO J

CORY

EAT BULAGA

LSQUO

TITA

TITA CORY

TITO JOEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with