^

PSN Showbiz

Marian naniniwala sa baraha

- Veronica R. Samio -

Hindi lamang si Jason Abalos ang mahaharap sa isang bagong pagsubok dahil gaganap siyang kontrabida sa kauna-unahang pagkakataon kay Gerald Anderson sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla presents Hulihin si Tiagong Akyat.

Magsisilbing isang malaking hamon din kay Gerald ang pagsasama nilang dalawa dahil kilalang isang mahusay na aktor si Jason at naging best actor na.

Sa panig ni Jason, welcome ang panibagong ha­mon sa kanya. Masaya siya na hindi limitado sa iisang role ng mga proyekto niya. Kung sa harap ng kamera ay magpapasiklaban sila ni Gerald sa akting, naga-appear naman sila sa tuwing makakatapos sila ng eksena.

“Sobrang saya ko dahil dati sa basketball ko lamang nakakasama si Jason, hindi pa kami mga artista nun pero, ngayon may series na kami,” sabi ni Gerald na siyang gagawa ng lahat niyang stunts, hindi siya gagamit ng double, walang harness, no nets.

Palabas na ang Tiagong Akyat simula sa Agosto 15, tuwing Sabado, sa ABS-CBN.

* * *

Napaiyak naman ako habang pinanonood ko ang mga kaganapan sa burol ni dating pangulong Cory Aquino. Tumulo ang luha ko nang hindi ko naram­da­man dahil sa pagpanaw ng isang babae who was kind and good at nanay ng bansa. I am proud to have been a part of EDSA Revolution na nagluklok sa kanya sa pagka-pangulo. Kung mayroon masasabing isang magandang naging resulta ng naturang rebolusyon, ito ay ang pagkakatuklas natin sa isang Cory Aquino, na naging simbolo ng demok­rasya sa ating bansa at maging sa buong mundo.

Ipinaaabot ko ang aking pakikiramay sa kanyang mga naulila, lalo na sa kanyang mga anak na alam kong ikinatutuwa niyang malaman na sa matagal na pag­kakaratay niya sa banig ng karamdaman ay lalong naging mahigpit ang pagkakabuklod.

* * *

Maganda at mabilis ‘yung vigil na naihanda ng ABS-CBN para sa dating pangulo. Hindi lang ‘yunggg pag­kilala sa mga nagawa niya in her lifetime, it was also a beautiful way of saying goodbye to the leader of the People Power Movement na kung saan ay paulit-ulit kong ipagyayabang na naging bahagi ako at ang tatlo kong mga anak.

Malungkot ang lahat ng participants sa vigil, lu­muha pati langit. Pero hindi ito nakabawas sa ganda ng kanilang palabas. Piling-pili ang mga umawit at piling-pili rin ang mga inawit nila.

* * *

Walang kaingay-ingay pero mayroon palang natapos na pelikula sa Regal si Marian Rivera na mapapanood ngayong Agosto. Alin man sa dalawang proyekto (Tarot at Darna) ni Marian na nakatakdang mapanood sa buwang ito ang maunang ipalabas, magkakatulungan ang mga ito.

Pinamagatang Tarot, maituturing itong pinaka-nakakatakot na pelikula ni Darna, tungkol sa isang babae na nakikita ang future sa pamamagitan ng baraha (tarot cards) ng kanyang lola.

Kasama sa movie na dinidirek ni Jun Lana sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, Niña Jose, Ana Quiambao, Gloria Diaz at Celia Rodriguez.

vuukle comment

AGOSTO

ANA QUIAMBAO

CELIA RODRIGUEZ

CORY AQUINO

DARNA

DENNIS TRILLO

GERALD ANDERSON

GLORIA DIAZ

TIAGONG AKYAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with