^

PSN Showbiz

James Yap hindi nawawala ang pagkamahiyain

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-guest sa Startalk si Pamela Ortiz noong Sa­bado para i-deny ang kumalat na balita na dead na siya.

Nang paalis na si Pamela sa studio, sinabihan ako ng aming direktor na si Floy Quintos na pasa­lamatan ang dating sexy star dahil pumayag ito na mag-guest ng live.

Sinabi ko kay Floy na hindi kami personal na magkakilala ni Pamela pero lumapit pa rin ako para mag-thank you. Nag-smile si Pamela at alam n’yo ba kung ano ang sey niya sa akin? Thanks din po, Tita Cristy! Talagang hindi kami personal na magkakilala ‘di ba? (Hahahahaha. - SVA)

* * *

Tinawagan ako sa telepono ni Nanette Med­ved noong Sabado para magbalik-alaala ng kara­nasan niya noong nabubuhay pa si former President Cory Aquino.

Nagkakilala sina Mama Cory at Nanette dahil kay Kris Aquino. Nagpunta pa nga si Nanette sa bahay ng mga Aquino sa Arlegui St. dahil tumanggi si Mama Cory na tumira sa Malacañang Palace.

Hindi ko na ikukuwento ang dahilan ng pag-uusap nina Mama Cory at Nanette pero hinding-hindi nito makalimutan ang humility at kabutihan ng madir ni Tetay.

* * *

Hindi naging hadlang ang masungit na pana­­hon noong Sabado para hindi puntahan ng ating mga kababayan ang burol ni Mama Cory sa La Salle Greenhills Gymnasium.

Dedma sila kahit umuulan at mahaba ang pila. May mga kuwento ang mga nakiramay tungkol sa personal encounter nila kay Mama Cory noong na­bubuhay pa ito. Lahat sila eh iisa ang sinasabi, ang ka­butihan ni Mama Cory na isa na ring bayani gaya ng kanyang pinatay na asawa, si Senator Ninoy Aquino.

Sa Miyerkules ang libing ni Mama Cory sa Manila Memorial Park. Qualified siya na ilibing sa Libingan ng Mga Bayani pero nagbilin si Mama Cory na gusto niyang makasama sa libingan si Papa Ninoy.

* * *

Hindi nawawala ang pagiging mahiyain ni James Yap. Halatang-halata na hiyang-hiya at hindi komportable si James sa pagharap sa kamera nang mainterbyu siya sa burol ni Mama Cory sa La Salle Greenhills.

Walang choice si James dahil bukod sa asawa ito ni Kris Aquino, sikat siyang basketball player.

* * *

Hindi ako magugulat kung biglang maging hit song ang 20-year old song ni Jose Mari Chan, ang I Fell In Love With The Same Woman Three Times.. ang tula ni Papa Ninoy na nilapatan niya ng musika.

Maganda ang lyrics at melody ng kanta na biglang naging in demand nang mamatay si Mama Cory.

Biglang na-appreciate ng taumbayan ang tula na naging kanta na dedicated ni Papa Ninoy sa kanyang misis.

Dalawa na ang version ng kanta dahil ni-revive ito ni Christian Bautista. Maganda naman ang pagkakaawit ni Christian pero iba pa rin ang version ng original singer. Nothing beats the original, ‘di ba Papa Joe Mari?

* * *

Magkakaroon pala ng sequel ang Ded Na Si Lolo at si Soxy Topacio pa rin ang direktor.

Natuwa ang APT Entertainment sa ma­gandang resulta sa box-office ng pelikula ni Soxy na pinagbidahan ni Roderick Paulate kaya inihahanda na ni Papa Tony Tuviera ang sequel ng Ded Na Si Lolo.

Surprise hit ang project ni Soxy. Ito ang top-grosser sa mga pelikula na Sine Direk, ang project ni Papa Tony na number one supporter ng Filipino movies. Naniniwala si Papa Tony na maisasalba pa ang dying movie industry ng ating bansa.

CORY

DED NA SI LOLO

KRIS AQUINO

MAMA

MAMA CORY

NANETTE

PAPA NINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with