^

PSN Showbiz

Matapos makipag-away sa Kapamilya, Cristine tinambakan ng trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pumirma na uli ng kontrata sa ABS-CBN si Cristine Reyes noong Huwebes ng tanghali. Matitigil na ang tanong kung mananatili siyang Kapamilya o kung babalik sa GMA 7.

Isa raw sa mga gagawin ni Cristine ay ang adaptation nang pinakamabentang libro ng Precious Hearts entitled Cristine. Magsisimula na rin siyang mag-taping ng isang episode ng Your Song Presents at tiyak na marami pa siyang naka-line up na project. Ano kaya ang masasabi ni RR Enriquez at ibang nakabangga ni Cristine sa ABS-CBN ngayong balik-Channel 2 uli siya.

May ginawa ring pelikula sa Viva Films si Cristine, ang horror flick na Ukay-Hukay at may big endorsement ng isang brand ng alak. Pumirma na ang aktres, pero ’di pa nagpi-pictorial at wala pang TVC shoot dahil hihintayin pang mag-21 years old siya next year.  

* * *

Law abiding citizen si DENR Secretary Lito Atienza dahil hindi pa rin ito tuwirang nagdedeklara kung muling tatakbong mayor ng Manila o hindi. Hihintayin niya ang takdang araw na ibinibigay ng Comelec kung kailan dapat mag-declare ng candidacy ang mga kakandidato. Hindi raw sinusunod ang rule of law ng karamihan sa mga politicians na nakakadagdag sa kaguluhan ng bansa.

Kaya nang tanungin kung sino sa mga presidentiables ang kanyang susuportahan, agad ang sagot ni Sec. Atienza na ang kagaya niyang sumusunod sa saligang batas ang susuportahan. “I follow the rule of the law and I seem to be vindicated,” wika ni Sec. Lito.

Samantala, may hawak na ebidensiya si Sec. Lito na nagpapatunay na hindi bangkarote ang kaban ng Manila nang bumaba siya sa puwesto. Detalyado ang report ng figures na galing sa Office of the City Treasurer at ’di puwedeng baguhin.

Nalulungkot si Sec. Lito na kailangang mangutang ng Manila government para ipantustos sa mga proyekto ng siyudad, gayung sangkatutak na pera ang iniwan niya nang bumaba siya sa puwesto.

* * *

Hawak-hawak ni direk GB Sampedro ang sulat mula kay Kim Ji-seok, program director ng Pusan International Film Festival (PIFF) at formal na inimbita ang directorial debut niyang Astig na top grosser sa Cinemalaya Cinco. Dadalo siya at ibang cast ng movie sa PIFF na gagawin mula October 8-16 at may dalawa pang international film festivals ang nag-iimbita.

May sagot si direk GB sa pagkukumpara ni Jim Libiran sa Astig sa vanilla ice cream. Sabi nito: “Personally, ’di ko siya kilala ang alam ko, director din siya. Sana lang, wala siyang ibang meaning sa pagki-criticize niya sa Astig. Sana, walang aspeto nang pagiging director niya. Let’s hope ang frame of mind niya’y as a critic and not as a director. Respetuhan na lang sana.”   

Samantala, “oo” agad ang sagot ni direk GB nang usisain namin sa relasyon nila ni Candy Pangilinan dahil hindi nila itinatago at masaya silang magkasama. Nabanggit nitong gusto niyang magka-baby uli at si Candy yata ang gusto niyang maging ina nang pang-apat niyang anak. Matagal na silang magkakilala, pero “hi” and “hello” lang at this year lang naging close. Hindi nito masagot kung kailan nagsimula ang relasyon nila dahil ’di sila nagsi-celebrate ng monthsary.

Wala pang next movie project si direk GB, pero may ididirek siyang concert at gagawa rin ng music video ni Charice for Western Union at siya rin ang director ng Ruffa and Ai.

* * *

Si Dingdong Dantes ang guest sa True Confections ng Q Channel 11 at mapapanood bukas, 6:45 p.m. Naghanda ang hosts ng show na sina Sam Oh, chefs Jackie Ang-Po at Aileen Anastacio ng special dessert recipe para sa actor.

AILEEN ANASTACIO

ASTIG

CANDY PANGILINAN

CINEMALAYA CINCO

CRISTINE

CRISTINE REYES

DINGDONG DANTES

JACKIE ANG-PO

LITO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with