^

PSN Showbiz

Controversial couple na kaka-hiwalay lang huling nag-motel

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-check-in daw sa isang serviced apartment sa Makati City ang controversial couple na nabalitang nag-break up. Baka naman nag-usap lang ang dalawa at nag-decide na tuluyan nang puputulin ang kanilang relasyon para wala nang tsikang kunwari lang ang break up nila.

Mali lang ang napiling lugar ng showbiz couple na venue ng kanilang pagkikita’t pag-uusap dahil may mga kaibigan sa press ang ilang empleyado ng serviced apartment, kaya mabilis na nakarating sa press ang pagkikita ng dalawa.    

* * *

Ayaw na lang patulan ni Jomari Yllana ang reaction ng isang concert director na napamura sa pagdududa na madadala rito ng kanilang Fearless Productions ang YouTube sensation na si Marie Digby. Hindi naman daw sa harap niya sinabi ng concert director ang “p——g ina, si Marie Digby darating?”

Ayaw na ring alamin ni Jomari kung ano ang masasabi ng concert director na nasa bansa na si Marie at tuloy ang concert bukas, August 1, sa NBC Tent, Taguig City. Ang actor, kasama ang nali-link sa kanyang si Radha at ibang taga-Fearless Productions ang sumalubong kay Marie sa airport. Kahapon, nag-guest ang dalaga sa SiS at Eat…Bulaga.

Isang local artist ang next na ipo-produce ng concert ng Fearless Productions. Bawal pa siyang pangalanan at ang clue ni Jomari ay “very interesting” and “really different” siya. May inaayos din silang foreign artist na malalaman din natin.

Samantala, bago pa lumala ang tsismis sa kanila ni Radha, nilinaw na ni Jomari na nagtatrabaho sa Fearless ang singer na apo ni Lolita Rodriguez bilang head ng Artist Management & Creative Department. Kaibigan at barkada lang daw silang dalawa.

Kinumpirma na rin ni Jomari ang pagsali niya sa Season 3 ng Celebrity Duets at sa tanong kung posibleng maka-duet niya ang ex niyang sina Ara Mina at Pops Fernandez, agad ang sagot nitong “papayag ba ang mga ‘yun?” 

vuukle comment

ARA MINA

ARTIST MANAGEMENT

AYAW

CELEBRITY DUETS

CREATIVE DEPARTMENT

FEARLESS PRODUCTIONS

JOMARI

JOMARI YLLANA

LOLITA RODRIGUEZ

MARIE DIGBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with