^

PSN Showbiz

Baka 'di kumita, Bea takot sa tambalan nila ni Sam

- Veronica R. Samio -

Walang artistang lokal ang hindi nagnanais maka­labas sa Maalaala Mo Kaya na nagdiriwang ng ika-18 anibersaryo ngayong Agosto.

Bilang pagdiriwang, limang magagandang episodes ang inihanda ng ABS-CBN na mapapanood sa lahat ng Sabado ng Agosto.

Para sa unang episode na mapapanood sa Agosto 1, itatampok ang istorya ng isang letter sender na magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan kasa­bay ng programa. Kuwento ito ng isang debutante na hindi makakaranas mag-debut. Ang tanging regalo niya para sa kanyang birthday ay ang paglalabas ng kanyang istorya sa TV at ang cake na ipinadala sa kanya ng MMK. Gagampanan ni Erich Gonzales ang role ng anak at magsisilbing nanay niya si AiAi delas Alas.

Sa trailer pa lamang ng episode na ipinapanood sa ilang miyembro ng press ay may nakita na akong umiyak. Kaya pinaghahanda na ng host ng MMK na si Ms. Charo Santos Concio ng panyo ang lahat ng manonood nito.

Sayang at hindi pumwede si Nora Aunor. Isa siya sa mga artistang kinonsidera para gumanap sa isa sa apat na episode na dun mismo kinunan sa US, pero hindi siya available. Sayang nga dahil marami ang nakaka-miss na sa kanya. Matagal na rin nang huli siyang mapanood sa seryeng Bituin ng ABS-CBN.

Lahat ng gumanap ng major roles sa apat na istorya na kinunan sa Amerika at tinapos ng siyam na buwan ay pawang dun na naninirahan. Tulad nina Joji Isla, Prospero Luna, Louella Albornoz, Lucita Soriano, Giselle Toengi, Princess Punzalan, Miguel Vera at Lynn Waters, isang American actress. Maging ang isa sa mga direktor na nag-direk ng dalawa sa mga episodes na si John D-Lazatin ay American based na rin. 

Marami ang nagtatanong sa sikreto ng matagal na pananatili sa ere ng MMK. Ayon sa host ng programa na si Ms. Charo, ang mga true stories na nagmumula mismo sa mga manonood ng programa ang malaking atraksyon. Idagdag mo pa ang mga malalaking artista na napanood na rito. 

Natatandaan pa nina Ms. Charo, at Direk Olive Lamasan, na sa MMK nagsimula ng career bilang direktor, na wala silang gaanong budget nung nagsimula sila. Pulut-pulot lamang ang mga props nila pero, tumatak sa manonood ang pinaka-una nilang episode na dinirek ni Maning Borlaza na tinampukan nina Robert Arevalo at Romnick Sarmienta, tungkol sa isang mag-ama na palaging nag-aaway dahil lamang sa rubber shoes.

Ngayon parang pelikula na kung gawin ang MMK. Malaki na ang gastos dito at mahaba ang panahon na ginugugol sa pagpili ng mga kuwento na gagawin sa TV.

* * *

Nakunan na rin ang kinatatakutan ni Bea Alonzo na lovescene nila ni Sam Milby para sa pelikula nilang And I Love You So.

 “Wala naman pala akong dapat ikatakot o ipag-alala, hindi kami nagkailangan ni Sam, naging komportable pa nga kami. Nagawa pa naming magbiruan habang kinukunan ang eksena,” pagkukuwento ng aktres na naki-jam sa concert ni Sam bilang support sa bago niyang kapareha. Pero inamin niyang takot na takot siya sa kahihinatnan ng movie.

 “Nasanay na kasi ang manonood na makita akong kasama si John Lloyd (Cruz, ka-loveteam niya). Eh dito first time kong makakasama sina Sam at Derek Ramsay, tapos bukod sa mature ang role ko, mature pa talaga ang theme ng movie. Make or break talaga para sa akin ang film,” sabi niyang may kaba.

When asked kung may tsansa siyang manalo ng award for her role, sinabi niyang : “Wala akong craving sa awards, bonus na lamang kung mananalo ako or even, ma-nominate man lang”.

vuukle comment

AGOSTO

BEA ALONZO

CHARO SANTOS CONCIO

DEREK RAMSAY

ERICH GONZALES

GISELLE TOENGI

I LOVE YOU SO

JOHN D-LAZATIN

MS. CHARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with