Aktres nakatagpo ng pangalawang Glorya
Masaya ang paligid ng isang magaling na aktres.
Balita ng source, mukhang nasumpungan na niya ang tunay na taong magpapaligaya sa kanya.
Mayaman daw ang lalaki at kabilang sa bigating angkan sa lipunan.
Hindi na kabataan ang nasabing aktres na kilalang malihim pagdating sa usapin ng puso kaya ‘wag tayong umasa na aamin agad siya tungkol sa bagong pag-ibig.
Hindi na kabataan ang nasabing aktres kaya kailangan na niya ang isang taong puwede niyang makasama sa habang buhay.
Ilang beses nang sumubok sa pag-ibig ang aktres pero parating bigo ang katapusan.
This time, ayon sa source mukhang ikalawang glorya ang natagpuan ng aktres.
* * *
Malaki talaga ang pagpapahalaga ni Diether Ocampo sa mga hayop at sa mga bata kahit wala pa siyang dinideklarang sariling anak.
Aktibo siya SA PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) at kamakailan lamang ay nagdiwang siya ng kanyang kaarawan kasama ang mahigit isang libong bata ng KIDS (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation bilang pagtulong na rin sa mga kabataan.
Sa loob ng mahigit sampung taon sa show-business, pinatunayan ni Diet na hindi lamang ang kanyang maamong mukha at magandang katawan ang nagdala sa kanya sa kasikatan kundi pati ang kanyang kagalingan sa pag-arte.
Naipamalas na niya ang kanyang talento bilang aktor sa kanyang mga pelikula sa Star Cinema kaya umaasa siya na sana’y magkaroon siya ng panibagong pelikula.
Sa pagyabong ng kanyang karera bilang isang respetadong aktor ng industriya, mas marami pang mga proyekto ang handang ibigay ng ABS-CBN para sa kanya. Ang kanyang kagalingan sa pagganap bilang Jonathan sa Only You ang nagpatunay kung gaano kaepektibong aktor si Diet.
Ang Only You sa kasalukuyan ay bumihag sa puso ng mga manonood sabay sa pagtalakay sa mga itinatagong kagandahan ng mga Pilipino sa loob at labas.
“Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag naappreciate ng tao yung craft mo. Sarap ng feeling, parang nasa cloud nine lang,” masayang pahayag ni Diet sa kanyang blow out party.
- Latest